TBRW CHAPTER 533RD POV Nang makita ni Zoe na tapos nang ligitin ng mga katulong ang kanyang gamit, ay galit siyang na-patingin kay Liam, dahil hindi man lang nito pinigilan ang mga katulong, sa ginagawa nilang pagligit sa mga gamit niya. “Liam,” sambit niya sa pangalan nito, pero napansin niya, na hindi man lang siya nito pinapansin. “Liam, hindi mo ba ako naririnig?” “Ano pa ba ang gusto mo Zoe? Binigay ko na sa ‘yo ang kalayaan mo ‘di ba?” Gulat siyang napatingin dito, dahil sa narinig niya mula kay Liam. “Anong kalayaan ang pinagsasabi mo?” “Ayaw na kitang pahirapan pa Zoe, dahil alam kung pagod kana, kaya pinapalaya na kit-.” “Hindi!!” Malakas na sigaw niya, habang kunot-noo itong napatingin sa kanya. “Ang ibig kung sabihin, hindi mo pwedeng gawin ‘yon Liam, dahil ikaw na rin ang nagsabi sa akin na ikaw lang ang magmamay-ari sa akin ‘di ba?” wika niya, habang tinitigan si Liam. “Tama na Zoe, alam kung sawa kana sa akin, kaya umalis kana.” Nailing si Zoe, dahil sa narinig
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-06 Mehr lesen