TBRW CHAPTER 423RD POV "Bakit ka umiiyak? Ayos ka lang ba? Ano ba ang masakit sa 'yo Liam?" Natataranta na wika ni Zena, habang nilapitan ito. "Ihanda niyo ang sasakyan!" Malakas nitong sigaw, habang hinawakan ni Liam ang kanyang kamay. "Ayos lang ako, sumakit lang saglit ang mga paa ko." Mabilis na yumukod si Zena, at hinilot-hilot ang mga paa ni Liam. "Sabihin mo sa akin kung masakit pa, dadalhin kita sa hospital." Napangiti si Liam, habang hinaplos nito ang kanyang buhok, kaya natigilan si Zena. "Ayos na ako, kumain kana." Wika nito, kaya agad siyang tumayo. Nawalan na rin siya ng ganang kumain, dahil sa kakaisip niya sa nangyari kay Liam. Nang matapos silang kumain ay siya na ang naghatid nito sa silid nito."Gusto mo bang tawagan namin ang mommy mo?" Tanong ni Zena, habang mabilis na umiling si Liam. "Iwan mo nalang ako, at 'wag mo na akong alalahanin pa," wika nito sa kanya, kahit ayaw niya sana itong iwanan sa silid nito ay wala siyang magawa, hindi pwede na maghinala i
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-04 Mehr lesen