TBRW CHAPTER 1323RD POV "I-ibig n'yong sabihin Daddy, magkakaroon na kami ng bagong kapatid?" Tuwang wika ni Lexi, habang tumango sa kanya ang kanyang ama. "Tama ka Anak.." Tuwa itong lumapit sa kanyang ina, dahil sa narinig nito sa kanyang ama. "Alam niyo bang nakakahiya talaga ito, dahil may mga Apo na ako, tapos nagbubuntis pa.." "Mommy, walang masama kung buntis kayo, kapatid namin 'yan, kaya mamahalin namin siya." Wika ni Liam, habang lumapit ito kay Zena, at mahigpit itong niyakap."Salamat mga Anak, hindi ko akalain na maintindihan niyo kami ng daddy niyo.." "Mommy, malalaki na kami at may kanya-kanya ng pamilya, kaya alam namin na malungkot na kayo sa bahay, kaya dapat lang na nagbuntis kayo, para may kasama kayo." Napangiti si Zena, at hinaplos ang buhok ni Liam, agad din siyang napatingin sa isa niyang anak na si Luke, dahil tahimik lang ito sa tabi. "Ayos ka lang ba Anak? hindi kaba natutuwa na buntis ako?" Tanong ni Zena, matapos niyang lapitan ang anak niyang si Lu
Zuletzt aktualisiert : 2026-03-05 Mehr lesen