CHAPTER 126“S-Sorry… mukhang n-nakakaistorbo yata ako,” kandautal pa na sabi ng bagong dating na iyon at agad na muli nitong sinarhan ang pinto ng opisina ni Bernard at agad na umalis doon.“M-Maxene? Maxene, sandali,” sabi ni Bernard at akmang susundan na sana niya si Maxene ng bigla siyang yakapin ni Irish.“Please, dito ka lang. Ako ang mahal mo Bernard at hindi siya. Ramdam ko na mahal mo pa rin ako. Kalimutan na natin ang mga nangyari at magsimula na lamang tayo muli,” umiiyak pa na sabi ni Irish habang nanatili itong yakap ang binata.“Nababaliw ka na ba talaga, Irish? At talagang balak mo naman sirain ngayon ang relasyon namin ni Maxene. Tumigil ka na nga sa kahibangan mong iyan dahil wala ka ng mapapala sa akin. Matagal na tayong tapos kaya tigilan mo na ako. Kung gusto mo ay magsama na lamang kayo ng Joseph na yun at hinding hindi ako tututol sa relasyon nyong dalawa,” galit naman na sabi ni Bernard at saka niya itinulak ng malakas si Irish kaya naman tumalsik ang dalaga sa
Read more