CHAPTER 111Matapos na maipakilala muli ni Bernard si Maxene sa lahat ng mga naroon ay bumaba na rin naman sila sa stage para masimulan na rin ang palatuntunan ng kanilang party.“Binabati ko kayong dalawa,” agad na salubong ni Diana kila Bernard at Maxene. “Mukhang hindi ka na talaga makakatanggi na maging parte ng pamilya namin ngayon hija,” baling pa niya kay Maxene at saka siya nakipagbeso rito.“Naku, mukhang wala na po talaga akong kawala ngayon,” biro naman ni Maxene sa ginang kaya naman nagkatawanan na lamang sila roon.“Kailangang makasigurado na hindi na makakawala pa. Mahirap na dahil baka maagaw pa ng iba,” sabat naman ni Bernard na tatawa tawa pa.“Tsk. Ibang klase ka talaga,” naiiling naman na sabi ni Jonathan sa kanyang kapatid pero napahanga siya nito dahil nagawa nitong magpropose kay Maxene sa harap ng maraming tao. “Noong una ay pinipilit ka namin mag asawa na pero yun pala ay may inililihim ka sa amin na nobya mo. Pagkatapos ay inilihim mo rin na buntis na pala si
Read more