CHAPTER 108“Napakaganda mo naman hija. Kahit yata hindi kita lagyan ng make up ay talagang lutang na lutang ang kagandahan mo,” sabi ng make up artist ni Maxene.“Tama ka r’yan. Partida buntis pa yan pero ganyan kaganda ha. Hustisya naman talaga,” sabi naman ng isa pang nag aayos kay Maxene.“Salamat po,” tila nahihiya naman na sabi ni Maxene.“Sigurado nasa iyo ang spotlight mamaya. Panigurado rin na marami na namang kababaihan ang maiinggit kapag nakita ka,” sabi naman ng naunang nagsalita kanina.“Aba syempre naman. Idagdag pa na kapartner niya ang napakagwapon si Mr. Aragon. Siguradong inggit na naman ang mga iyan,” sabi naman ng isa pa.“N-Naku, hindi naman po siguro,” sagot naman ni Maxene dahil sa isip isip niya ay hindi naman siya dapat na kainggitan.Nagpatuloy naman ang mga ito na ayusan si Maxene at habang inaayusan nila ang dalaga ay wala na silang ibang sinabi kundi ang purihin ang kagandahang taglay ni Maxene.Totoo naman kasi talaga ang sinabi ng mga ito… totoo naman n
Last Updated : 2026-03-03 Read more