CHAPTER 27Samantala naman habang abala si Bernard sa mga papeles na nasa kanyang harapan ngayon ay narinig naman niya ang mahinang pagkatok mula sa pintuan ng kanyang opisina. Kaya naman agad siyang napatingin doon at agad niyang nakita ang kanyang sekretarya.“Excuse me po sir. Narito po si Mr. Jayson at ang sabi po niya ay pinapunta nyo raw po siya ngayon dito,” sabi ng sekretarya ni Bernard.“Sige, papasukin mo siya,” agad naman na sagot ni Bernard sa kanyang sekretarya at saka niya saglit na inayos ang mga nasa ibabaw ng kanyang lamesa.Agad naman na lumabas muli ang sekretarya ni Bernard at maya maya pa ay pumasok na rin si Jayson sa opisina ni Bernard.“Good morning Mr. Aragon,” may ngiti sa labi na bati ni Jayson kay Bernard habang naglalakad siya papalapit dito. "Ano ba ang ipapatrabaho mo sa akin ngayon? Mukhang seryoso iyan dahil talagang pinapunta mo pa ako rito para lamang dyan," pagpapatuloy pa niya.Si Jayson ay isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Bernard at isa rin ito sa
Last Updated : 2026-01-22 Read more