CHAPTER 34“Po? N-naku wala po iyon dad. W-wag nyo na lamang po iyon pansinin pa dahil hindi naman po iyon importante,” kandautal naman na sagot ni Maxene sa kanyang ama. “Ang mabuti pa po ay pagtuunan na lamang po natin ng pansin ay ang problema ng ating kumpanya.. kung paano po natin ito masusulosyonan,” pagpapatuloy pa niya.“Sigurado ka ba anak?” kunot noo naman na tanong ni Maximo kay Maxene. “Baka may problema ka o nais sabihin sa akin ay pwede mo naman iyang sabihin. Kahit naman may problemang kinakaharap ang ating kumpanya ay handa naman akong makinig sa’yo,” pagpapatuloy pa niya.“W-wala po iyon dad. Hindi naman po importante ang sasabihin ko na iyon,” sagot naman muli ni Maxene.Pinili na lamang kasi ni Maxene na wag na munang magtapat sa kanyang ama dahil ayaw naman niyang dumagdag pa siya sa isipin nito.“Ganon ba? Basta kapag may kailangan ka o problema ka ay pwede ka naman magsabi sa akin o sa mommy mo,” sagot ni Maximo. Matamis naman na nginitian ni Maxene ang kanyang
Last Updated : 2026-01-29 Read more