CHAPTER 52Nang makarating na sila sa garden ni Diana ay agad ng iginala ni Maxene ang kanyang paningin doon dahil talagang namangha rin siya sa ganda ng mga bulaklak na naroon.“Tanim nyo po ba ang lahat ng ito?” hindi na napigilan na tanong ni Maxene.“Oo hija. Tanim ko ang lahat ng iyan dahil ito na lamang talaga ang naging libangan ko sa ngayon,” sagot naman ni Diana.“Napakaganda naman po ng mga bulaklak ninyo. Mukhang alagang alaga nyo po talaga sila,” sabi pa ni Maxene.“Tama ka hija. Sobrang alaga ko talaga ang mga ito dahil halos ito na lamang ang nagpapasaya sa akin dito sa mansyon,” sagot ni Diana at bigla ngang lumungkot ang boses nito.Napatingin naman si Maxene sa gawi ng ginang ng marinig niya ang sinabi nito.“Kung titingnan mo ang bahay namin ay talagang masasabi mo na masaya siguro ang buhay ng nakatira dyan dahil sobrang yaman. Pero ang totoo nyan nagkakamali sila ng akala. Oo nga at malaki ang bahay namin… oo nga at kaya naming bilhin ang lahat ng gustuhin namin at
Last Updated : 2026-02-08 Read more