CHAPTER 43Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Maxene dahil hindi talaga niya alam kung paano ba niya sasabihin sa binata ang kanyang sitwasyon ngayon at bukod pa roon ay sobrang kinakabahan talaga siya.“S-sa totoo lang Mr. Aragon ay hindi ko talaga alam kung paano ko ba ito sasabihin sa’yo,” panimula ni Maxene at napabuga pa nga siya ng hangin sa kanyang bibig. “B-Baka naman may iba ka pang gustong maging kapalit ng pagtulong sa aming kumpanya,” pagpapatuloy pa niya.Umayos naman ng pagkakaupo niya si Bernard habang nanatiling seryoso siyang nakatitig sa dalaga.“Hindi ba at nasabi ko naman na sa’yo ang dahilan ko kung bakit yun ang gusto kong maging kapalit ng pagtulong ko sa inyong kumpanya,” sagot naman ni Bernard. “Bakit may problema ba Ms. Gonzales? Kulang pa ba ang offer ko sa’yo?” tanong pa niya.“M-Mr. Aragon g-gustuhin ko man na tanggapin ang offer mo dahil talagang kailangang kailangan na namin na mabayaran ang bangko dahil isang linggo na lamang ang
Last Updated : 2026-02-04 Read more