CHAPTER 83Pagkatapos kumain ay gaya nga ng sinabi ni Diana ay agad na niyang dinala si Maxene sa garden niya at agad niyang pinakita isa isa sa dalaga ang kanyang mga naggagandahang mga bulaklak.“Alam mo hija noong nakaraan pa kita hinihintay na bumisita rito. Ang dami kong mga bulaklak noong nakaraan. Sayang at hindi mo nakita ang mga yun,” sabi ni Diana kay Maxene habang may ngiti sa kanyang labi.Sa totoo lang ay sobrang gaan ng loob ni Diana kay Maxene. Gusto nga sana niyang sabihin dito na puntahan siya nito madalas peronahihiya rin naman siya na magsabi rito lalo na at alam niya na kagaya ng kanyang anak na si Bernard ay abala rin talaga ito sa trabaho nito.“Naku, pasensya na po kayo, tita. Minsan po talaga ay maramo akong ginagawa sa opisina. Mabuti na nga lang po talaga at wala akong ginagawa ngayon kaya nakasama po ako kay Bernard dito,” sagot naman ni Maxene. “Pero wag po kayong mag alala dahil kapag hindi po ako busy ay bibisitahin ko po kayo ng madalas,” magalang naman
Last Updated : 2026-02-20 Read more