CHAPTER 79Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Bea bago siya muling tumingin sa binata.“Alam ko naman na wala akong karapatan na panghimasukan kayong dalawa. Pero may tiwala ako sa’yo Bernard at umaasa ako na hindi mo pababayaan ang kaibigan ko,” makahulugan na sabi ni Bea sa binata.Seryoso naman na napatitig si Bernard sa dalaga dahil para bang may gusto itong sabihin sa kanya. Nang akmang magsasalita na sana muli si Bernard ay sakto naman na lumabas sa kanyang silid si Maxene.“Narito ka na pala, Bea,” agad na sabi ni Maxene ng makita niya ang kanyang kaibigan. “Pasensya ka na hindi ko na nabanggit pa sa’yo na aalis ako ngayon. Biglaan din kasi ang pag aaya ni Bernard na pumunta sa kanilang mansyon,” pagpapatuloy pa niya at saka siya naglakad papalapiy sa dalawa. “Bernard si Bea nga pala bestfriend ko,” pagpapakilala ni Maxene sa kanyang kaibigan. “Bea si Bernard nga pala,” baling naman niya kay Bea. “Finally ay nagkita na rin kayong dalawa sa personal,” dag
Huling Na-update : 2026-02-18 Magbasa pa