CHAPTER 99“Ahm. Mom, dad may gusto pa po kasi sana kaming sabihin po sa inyo kaya po kami naparito,” sabi ni Maxene nang makabalik na ang kanyang ina.Nagkatinginan naman sila Maximo at Andrea dahil wala silang ideya kung ano ba ang sasabihin na iyon ng kanilang anak at ng nobyo nito.“Ano ba ang sasabihin mo pa anak? Mukhang importante talaga yan bukod sa pagpapakilala mo sa nobyo mo,” tila hindi naman makapaghintay na tanong ni Andrea kay Maxene.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Maxene at saka siya tumingin kay Bernard. Tumango lamang naman din si Bernard dito at saka niya nginitian ang dalaga.“M-Mom, dad, wag po sana kayong magagalit,” sabi ni Maxene at saglit pa siyang tumigil sa kayang pagsasalita at saka aiya bumuga ng hangin sa kanyang bibig. “B-Buntis po ako,” pag amin na niya at saka napahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ni Bernard.Napaawang naman ang labi ng mag asawang Maximo at Andrea dahil sa sinabi na iyon ni Maxene at nagkatinginan pa ng
Last Updated : 2026-02-27 Read more