CHAPTER 67Nang matapos si Maxene sa kanyang ginagawa ay agad na rin naman siyang kumain at nag asikaso ng kanyang sarili dahil sa susunduin siya ni Bernard doon.“Bea, tawagan mo na lamang ako kung may problema rito ha. Nasa labas na kasi si Bernard. Nakakahiya naman kung pagjihintayin ko pa roon,” bilin ni Maxene kay Bea at saka niya kinuha ang kanyang bag.“Don’t worry. Ako ng bahala rito. At kung magkaproblema man ay keri ko na yun,” sagot ni Bea. “Mag iingat kayo ha. Tawagan mo na lamang din ako kung susunduin ba kita mamaya,” sagot naman ni Bea na kumakain pa ng mga oras na iyon.“Sige. Aalis na ako. Bye,” pagpapaalam na ni Maxene kay Bea.Kumaway na lamang din si Bea kay Maxene. Hinayaan na lamang din talaga niya ang kanyang kaibigan na kasama si Bernard dahil alam naman niya na safe ito rito.Pagkalabas ni Maxene sa kanilang kumpanya ay agad ng hinanap ng kanyang paningin si Bernard at nang matanaw niya ang sasakyan nito ay agad na siyang napangiti at humakbang papalapit doon.
Last Updated : 2026-02-14 Read more