ISANG ORAS bago ang nakatakda nilang usapan ng biyenan ay naisipan munang dumaan ni Diane sa pinakamalapit na drugstore. Sa pamamagitan kasi ng pregnancy test na bibilhin nito, matuldukan na rin ang paulit-ulit na bumabagabag sa isipan niya.Masyado kasi siyang naging abala sa trabaho at sa social media account ng babaeng palaging kasama ni Caleb kamakailan kung kaya naman napasawalang bahala tuloy nito ang iniida ng kaniyang katawan.Hindi niya pa man nagagawang maitago ang maliit na paper bag nang mapansin niya ang hindi mabilang na missed calls mula sa kaniyang assistant."Mabel, napatawag ka?""Pasensya na ho, Ma'am Diane. Alam kong hindi ko dapat kayo ginugulo sa mga oras na 'to pero bigla po kasing tumawag ang kliyente natin, gusto nilang madaliin ang delivery ng mga artworks bukas na bukas din."Kumunot ang noo niya sa narinig. "Hindi ba sa susunod na linggo ang usapan natin?"Dinig na dinig nito kung paano huminga ng malalim ang assistant, tanda ng matinding stress. "Nagkaroon
最終更新日 : 2025-12-30 続きを読む