เข้าสู่ระบบSABIHIN mang nagawan ng paraan ni Caleb ang gulong namagitan sa mansyon pero hindi ibig sabihin ay mapapatawad niya na rin ang panlolokong nagawa nito.
Sa estudyong inilaan niya para sa mga proyekto, inilabas nito ang frustrasyon, pagkadismaya at galit na nararamdaman hindi lamang sa asawa kung hindi maging sa pamilya nito. Limang taon na rin kasi ang nakakalipas magmula nang talikuran nito ang pinakamalaking oportunidad na dumating sa kaniyang buhay para lamang manatili ng Pilipinas at tumayong ina kay Theo. Sino ba namang hindi manghihinayang, hindi ba? Lalo na ngayong punong-puno ng pagsisisi ang puso niya dahil minahal nito ang lalaking ginamit lamang siya para sa kapakanan ng babaeng pinakamamahal nito. Matapos masiguradong handa na ang lahat para sa magiging delivery ay napahigpit na lamang ang pagkakahawak nito sa marker habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kalendaryong nasa harapan. Walong araw... Walong araw na lang ang hihintayin at makakalaya na rin ang ina nitong limang taon na nawalay sa kaniya. Magkakaroon na rin sa wakas ng katuturan ang limang taong pagsasakripisyo niya sa piling ni Caleb. Kamuntikan ng sumibol ang ngiti sa labi ni Diane kung hindi lamang sumingit ang pangalang ayaw na sana nitong mabasa sa kaniyang cellphone. "When are you coming back?" malalim ang tinig na tanong ni Caleb mula sa kabilang linya. Saglit siyang napatitig sa orasan dahil batid niyang hindi na nito namalayan ang oras matapos niyang piliing magpakasubsob sa trabaho ngayong araw. "Bakit? May kailangan pa ba akong uwian sa pamamahay mo?" aniya habang hinihimas ang namimigat na batok. Ramdam na rin ng katawan nito ang pagod habang tila wala namang kapaguran ang puso niyang nakakaramdam pa rin ng galit sa taong kausap. Tumangos sa pandinig nito ang marahas na hininga ni Caleb. "Kanina ka pa hinihintay ni Theo." Mahigpit na naitikom ni Diane ang labi saka walang buhay na sumagot. "Ikaw muna ang bahala kay Theo dahil ikaw naman ang ama niya, hindi ba? Hindi ako makakauwi ngayon dahil marami akong tinatapos." Sinadya niyang patayin ang cellphone matapos maibaba ang tawag upang huwag na nitong makausap ulit si Caleb. Ngunit ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ay narinig na nito ang boses ni Theo mula sa labas ng studio. "Mommy open the door please!" Nagsusumamong sumalubong sa kaniya ang mga mata ni Theo habang nanatili namang nakatayo ang daddy nito mula sa labas. Hindi umimik si Diane, ang tanging pinagtuunan lamang nito ng pansin ay ang batang nasa kaniyang harapan. "May mahalaga akong business trip simula bukas at hindi naman kayang alagaan ni Serena si Theo. Walang magbaban—" Hindi na nito hinayaan pang tapusin ni Caleb ang sasabihin dahil ayaw niyang isiping humihingi ang mga ito ng pabor sa kaniya gayong sila naman ang tunay na magulang ng bata. "Sunduin mo dito si Theo pagkatapos ng sinasabi mong business trip. Kung maaari ihanda mo na rin ang annulment papers nating dalawa." Hindi akalain ni Diane na kakayanin niyang maiparamdam kay Caleb na wala na siyang pakialam dito at kung mayroon mang natitirang koneksyon sa pagitan nilang dalawa ngayon— iyon ay ang natitirang pagmamahal niya para sa anak nitong si Theo. "Mommy, galit po ba kayo sa akin? Galit po ba kayo kapag sumama ako sa babaeng kasama ni daddy?" Saglit siyang natigilan sa narinig bago puno ng lambing na niyakap ang bata habang umiiling. "Bakit naman ako magagalit sa'yo? Alam kong mahirap para sa'yong tanggapin ang buong katotohanan sa ngayon dahil masyado ka pang bata pero kung wala si Serena, hindi rin magkakaroon ng makulit na prinsipe ang mommy ngayon. Kaya please, mommy na rin ang itawag mo sa kaniya simula ngayon?" Bakas sa mukha ni Theo ang pagdadalawang-isip pero sa huli ay nagawa niya pa rin itong kumbinsihin. Sa loob ng dalawang araw ay walang ibang ginawa si Diane kung hindi pagsabayin ang trabaho at ang pangangalaga kay Theo. Sinadya niyang isama ito sa trabaho dahil may pagkakataong tinutulungan siya ng mga tauhan sa pagbabantay sa tuwing sa mahalaga siyang inaasikaso. Sa kabila ng pagiging busy, ramdam naman nitong hindi niya maaring isaalang-alang ang sariling kalusugan lalo na ngayong mas napapadalas ang pagsama ng pakiramdam niya. Humanap siya ng oras para tawagan ang matalik na kaibigang isa na rin ngayong pinagkakatiwalaang gynecologist. 'Anong nangyari, Diane? Buntis ka ba?' tanong nito matapos ang konting kamustahan. Nagdadalawang-isip naman siyang sumagot. "Hindi ko alam pero sampung araw na akong delayed and this past few days napapadalas ang pagsakit ng kasukasuhan ko. Nahihilo minsan, hindi ko maintindihan." Gustuhin niya mang banggitin dito ang nangyari sa mansyon ngunit natatakot siyang baka bigla na lamang itong sumugod ng 'des oras ng gabi. "Diane naman! Sampung araw ka ng hindi dinadatnan? Hindi mo ba naisipan bumili man lang ng pregnancy test?" Lihim niyang nakagat ang pang-ibabang labi nang maalala ang biniling pregnancy test sa drugstore. Nakatago pa rin iyon sa loob ng bag niya hanggang ngayon. "Pasensya na, Emma may nabili akong PT pero nakalimutan kong gamitin." Hindi man nito nakikita ang kausap pero ramdam niya ang inis sa tono ng pananalita nito. "Wala na talaga akong masabi sa'yo, Diane. Masyado ka na naman sigurong subsob sa trabaho kaya nakalimutan mo. Hindi na ako magtataka kung bigla ka na lang isugod sa ospital dahil sa kapabayaan mo!" saglit itong huminto sa panenermon saka bumuntong-hininga. "Ang mabuti pa gawin mo na ang pregnancy test ngayon din." Kinakabahan man pero walang nagawa si Diane kung hindi sundin ang payo ng kaibigan. Bumalik ito sa kinaroroonan ni Theo na mahimbing pa ring natutulog para kunin ang nasabing pregnancy test pero bago pa man 'yon, muli niya muna itong kinumutan. Saglit niyang pinagmasdan ang bata habang pinapakiramdaman ang sarili at kung anong possibleng mangyari oras na malaman niya ang magiging resulta mamaya. Akmang kukunin na sana nito ang pakay nang biglang tumawag ang kaniyang assistant. "Ma'am Diane, may naghahanap po sa inyo." "Sino?" Sa isang coffee shop sa baba ng studio hiniling nitong magkita silang dalawa. Kinutuban siya ng masama hanggang sa makumpirma niya ang hinala nang makita ang isang magandang babaeng nakaupo sa isang sulok, suot ang isang mahahaling sunglasses. Hindi maikukubli ang ganda nito sa suot na champagne-colored dress na sinamahan pa ng isang white designer's coat. Maging ang kulay at ayos ng buhok nito ay agaw-pansin din. "Maupo ka, Diane," salubong nito sa kaniya. Imbes na tanggapin ang paanyaya nito ay mas pinili niyang manatiling nakatayo. "Hindi na kailangan. Gusto ko lang namang malaman kung bakit naisipan mo akong dalawin." Ngumiti lamang ito habang maingat na ibinababa ang suot na sunglasses. "Naiintindihan ko kung bakit naiinis ka sa 'kin, Diane. Huli na rin nang malaman ko ang ginawang panloloko sa'yo ni Caleb pero maniwala ka, nagawa niya lamang lahat ng iyon para sa akin, para sa kapakanan naming dalawa ni Theo. Kaya hanggang maari, huwag mo sana siyang sisisihin." Mabilis siyang sumagot para klaruhin ang lahat. "Wala akong sinisisi, Serena. Malinaw sa akin ang lahat nang ikinasal kaming dalawa ni Caleb, alam kong may limitasyon ang pagsasama naming dalawa. At kung si Theo naman ang pag-uusapan, malinaw sa akin ang karapatan mo bilang biological mother." Ngumiti ito— isang ngiting hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Diane." Inilatag nito sa mesa ang isang dokumento at sinadyang itulak ng kamay papalapit sa kaniya. "Heto ang application for annulment ninyong dalawa ni Caleb..." Pinakinggan ang mga sinasabi nito mula umpisa hanggang dulo. "Ibig sabihin, handang ibigay sa'yo ni Caleb ang mansyon at ang rest house sa Tagaytay. Maliban doon, handa siyang bayaran ka ng limampung milyon bilang kabayaran sa limang taong pagsasama ninyong dalawa." Muling nagtama ang mga mata nilang dalawa, doon nasilayan niya kung paano naging nakakalason ang maamong ngiti ni Serena kanina. "If you think everything's okay. Pwede ka nang pumirma." Nanatiling blanko ang ekspresyon niya sa kinatatayuan. Hindi nito alam kung matutuwa ba siya o masisilaw sa mga ari-arian at milyones na alok ng dalawa. Dahil kung tutuusin, isa lang naman ang gusto niya...gusto nitong makalaya mula sa mala-impyernong buhay kasama si Caleb.SABIHIN mang nagawan ng paraan ni Caleb ang gulong namagitan sa mansyon pero hindi ibig sabihin ay mapapatawad niya na rin ang panlolokong nagawa nito.Sa estudyong inilaan niya para sa mga proyekto, inilabas nito ang frustrasyon, pagkadismaya at galit na nararamdaman hindi lamang sa asawa kung hindi maging sa pamilya nito.Limang taon na rin kasi ang nakakalipas magmula nang talikuran nito ang pinakamalaking oportunidad na dumating sa kaniyang buhay para lamang manatili ng Pilipinas at tumayong ina kay Theo.Sino ba namang hindi manghihinayang, hindi ba?Lalo na ngayong punong-puno ng pagsisisi ang puso niya dahil minahal nito ang lalaking ginamit lamang siya para sa kapakanan ng babaeng pinakamamahal nito.Matapos masiguradong handa na ang lahat para sa magiging delivery ay napahigpit na lamang ang pagkakahawak nito sa marker habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kalendaryong nasa harapan.Walong araw...Walong araw na lang ang hihintayin at makakalaya na rin ang ina nitong limang
MARIING pumikit si Diane upang pakalmahin ang sarili ngunit kahit anong gawin niya ay lalo lamang siyang binalot matinding frustrasyong nararamdaman."Totoo bang ikaw ang biological mother ni Theo?"Maamo ang mga mata nitong bumaling sa kaniya saka marahang tumango. "Limang taon na rin ang nakakalipas magmula noong isinilang ko si Theo. Kinailangan kong ilihim ang pagbubuntis ko sa kaniya dahil mahigpit iyong ipinagbabawal sa kontratang pinirmahan ko bilang artista, mawawalan ako ng career at masisira lahat ng pinaghirapan ko magmula noon."Nahigit niya ang hininga nang marinig ang paunang rebelasyon ni Serena."Ibig sabihin, ang ama ni Theo..."May parte ng pagkatao niyang hinihiling na sana ibang pangalan ang marinig mula dito ngunit hindi iyon pinaboran ng pagkakataon."Anak namin siyang dalawa ni Caleb."Mahinahon man ang pagkakasabi ni Serena ngunit nagmistula namang matatalim na kutsilyong bumaon ng dahan-dahan sa puso ni Diane ang mga salita nito.Hindi nito akalaing ang batang
ISANG ORAS bago ang nakatakda nilang usapan ng biyenan ay naisipan munang dumaan ni Diane sa pinakamalapit na drugstore. Sa pamamagitan kasi ng pregnancy test na bibilhin nito, matuldukan na rin ang paulit-ulit na bumabagabag sa isipan niya.Masyado kasi siyang naging abala sa trabaho at sa social media account ng babaeng palaging kasama ni Caleb kamakailan kung kaya naman napasawalang bahala tuloy nito ang iniida ng kaniyang katawan.Hindi niya pa man nagagawang maitago ang maliit na paper bag nang mapansin niya ang hindi mabilang na missed calls mula sa kaniyang assistant."Mabel, napatawag ka?""Pasensya na ho, Ma'am Diane. Alam kong hindi ko dapat kayo ginugulo sa mga oras na 'to pero bigla po kasing tumawag ang kliyente natin, gusto nilang madaliin ang delivery ng mga artworks bukas na bukas din."Kumunot ang noo niya sa narinig. "Hindi ba sa susunod na linggo ang usapan natin?"Dinig na dinig nito kung paano huminga ng malalim ang assistant, tanda ng matinding stress. "Nagkaroon
HINDI ba kay sarap sa pakiramdam na ipagdiwang ang bagong taon kasama ang taong iyong pinakamamahal? Kay ganda sanang saksihan ang makukulay na fireworks sa madilim na kalangitan kahit ilang milya pa ang layo sa iyong kinatatayuan."Happy New Year," mahinang bulong ni Diane sa sarili habang dinadama ang namumuong bigat sa kaniyang dibdib.Pilitin man nitong ngumiti ngunit tila nagkasundo ang lamig ng silid at panlalamig na nararamdaman ng puso sa mga oras na ito.At imbes na matuwa ay tila ba hindi naging maganda ang epekto sa kaniya ng selebrasyong naririnig mula sa labas.Tunay nga namang magandang pagkakataon SANA ang okasyong ito upang mabigyang kulay muli ang pagsasama nilang dalawa ni Kaleb ngunit sa huli ay nagmistula lamang itong isang normal na gabi para sa kaniya.Nang mas lumalim ang gabi ay nanatili siyang tahimik sa kinahihigaan. Sinubukan nitong gawing sandalan ang makapal na puting comforter sa kaniyang higaan ngunit hindi pa rin nito nagawang pakalmahin ang mga bumabag







