เข้าสู่ระบบ
HINDI ba kay sarap sa pakiramdam na ipagdiwang ang bagong taon kasama ang taong iyong pinakamamahal? Kay ganda sanang saksihan ang makukulay na fireworks sa madilim na kalangitan kahit ilang milya pa ang layo sa iyong kinatatayuan.
"Happy New Year," mahinang bulong ni Diane sa sarili habang dinadama ang namumuong bigat sa kaniyang dibdib. Pilitin man nitong ngumiti ngunit tila nagkasundo ang lamig ng silid at panlalamig na nararamdaman ng puso sa mga oras na ito. At imbes na matuwa ay tila ba hindi naging maganda ang epekto sa kaniya ng selebrasyong naririnig mula sa labas. Tunay nga namang magandang pagkakataon SANA ang okasyong ito upang mabigyang kulay muli ang pagsasama nilang dalawa ni Kaleb ngunit sa huli ay nagmistula lamang itong isang normal na gabi para sa kaniya. Nang mas lumalim ang gabi ay nanatili siyang tahimik sa kinahihigaan. Sinubukan nitong gawing sandalan ang makapal na puting comforter sa kaniyang higaan ngunit hindi pa rin nito nagawang pakalmahin ang mga bumabagabag sa kaniyang isipan. Nang mapansin niya ang mahinang pagbukas ng pintuan ay nagkunwari siyang mahimbing ang tulog. Sinubukan niyang magmukhang payapa ang lahat kahit kanina pa pagod na pagod ang puso't isipan niya sa lahat ng mga nangyayari. Ginawa niya ang lahat ng makakaya upang balewalain ang presensya ng asawa. Nagbingi-bingihan siya kahit batid nitong sinasadya ni Caleb na ipinarinig sa kaniya ang lahat, mula sa malakas na pagkalas nito ng suot na sinturon hanggang sa kung paano nito isa-isang hinubad ang lahat ng saplot sa katawan. "Alam kong gising ka, Diane. Stop fooling me," wika ni Caleb gamit ang malalim at nakakatunaw na boses. Ngunit sa kabila ng narinig niyang banta mula sa asawa ay pinanlabanan pa rin ni Diane ang lahat, kinaya niyang pigilan maging ang sariling kagustuhan na titigan ang lalaking pinakamamahal. 'Tama ang ginagawa mo, Diane. Hindi ka tanga para magbulag-bulangan habambuhay,' pangungumbinsi nito sa sarili. Naging matatag siya ng mga oras na iyon. Ngunit sadyang tuso at wais si Caleb, alam na alam nito kung paano bubuwagin ang pagpapanggap na ginagawa niya. Ilang sandaling pinanlabanan ni Diane ang sensasyong nararamdaman kahit ramdam na ramdam nito ang malayang paglalakbay ng mga kamay ni Caleb sa loob ng suot niyang manipis na pantulog. Tiniis niyang huwag kumilos at magpanggap pa ring tulog hanggang nadama na lamang nito kung paano rumehistro ang matigas na bagay sa likurang bahagi ng kaniyang katawan. Sa pamamagitan ng kunwaring pag-unat ng katawan na nasundan ng mahinang paghikab ay nagawa nitong baguhin ang kanilang posisyon. "Caleb?" kunwari ay inaantok pa nitong tanong. "Napaaga yata ang uwi mo?" Nagpakawala ng marahas na hininga ang asawa na tila ba nabitin sa ginagawa. "What's with that question? Hindi mo ba nagustuhan na nandito ako?" Binalewala niya ang pagkunot ng noo nito. Sa halip, hinayaan niyang kumawala ang nilalaman ng kaniyang isipan. "Hindi naman...buong akala ko kasi hindi tayo magkakasama ngayong gabi." Sinadya niyang titigan ito sa mga mata na para bang gusto niyang maramdam din nito ang frustrasyong nararamdaman niya. "After all this years, sanay na rin naman akong ipagdiwang ang pasko at bagong taon ng mag-isa." Saglit na natulala sa kaniya si Caleb na para bang nagtataka sa biglaang pagkawala ng natural na lambing at sweetness sa kaniyang boses. "Did something happen?" Imbes na sagutin ang tanong nito ay nanatili siyang tahimik. Hanggang sa kusang dumako ang paningin ni Caleb sa mga mata niyang hanggang ngayon ay namumugto at namumula pa rin mula sa paulit-ulit niyang pag-iyak mula kaninang umaga. Mas lalong lumalim ang gatla nito sa noo. "Spill it out, Diane." Tuluyang nahalata ang inis hindi lamang sa boses kung hindi maging sa pagmumukha ni Caleb. Ilang minuto lamang siyang natigilan saka napatitig sa mga mata nitong nagsilbi ding liwanag ng buhay niya sa loob ng mahabang panahon. "May kailangan ba akong sabihin sa'yo, Caleb?" Pinagmasdan niya ito nang mabuti saka lihim na napabuntong-hininga. Suot pa rin kasi ng asawa ngayon ang makapal na eyeglasses na madalas lamang nitong ginagamit sa trabaho. Nagmukha mang seryoso at mas nakakatakot tingnan pero litaw na litaw pa rin ang kagwapuhan nito sa paningin niya— mula sa perpektong hugis ng mukha nito, matangos na ilong, mahahabang pilikmata hanggang sa mga titig nitong ramdam niyang nagpapahiwatig ng kagustuhang maangkin siya ngayong gabi. Wala siyang narinig na sagot mula kay Caleb, bagkus marahan lamang nitong hinaplos ang pisngi niya hanggang sa dumako ang hinlalaki nito sa puno ng kaniyang tainga. "Did you forgot to take them off?" Gano'n na lamang kabilis na nagwala ang dibdib ni Diane nang maramdamang nilaro ng daliri nito ang frame ng suot niyang eyeglasses. Literal siyang napalunok ng laway nang mapagtantong nawala iyon sa isipan niya marahil dala na rin ng dami ng mga iniisip niya magmula kanina. Nanatili siyang walang kibo habang dinadama kung paano dahan-dahang kinakalas ni Caleb ang suot niyang salamin. "Now that's everything set and ready..." wika nito baon ang mapaglarong ngiti sa labi. "Shall we proceed with the main dish?" Lihim siyang napailing nang maramdaman ang mapanuksong halik ni Caleb sa kaniyang balikat. Kung noon, tila nauupos na kandila ang katinuan niya sa tuwing dumadampi ang labi nito sa kaniyang balat ngayon napapatiim-bagang na lamang siya sa pagkamuhing nararamdaman. "P-Pwede bang huwag muna ngayon, Caleb? Medyo masama kasi ang pakiramdam ko." Sa tanang buhay ni Diane, ito ang unang beses na tinanggihan niya ang asawa. Kahit kasi sabihing bunga lamang ng isang kasunduan ang pagpapakasal nilang dalawa, makalipas ng ilang taon ay tuluyan na rin nitong naibigay ang sarili sa lalaki sa kadahilanang hindi inaasahang nahulog ang loob niya dito. Sa kabila ng pagsusumamo niyang huwag nitong ituloy ang binabalak, nagpatuloy pa rin ito sa paghalik na para bang hindi nito naririnig ang mga sinasabi niya. Napapikit si Diane, lihim na napayukom ang mga kamao hindi dala ng masarap na sensasyong nararamdaman ngunit mula sa frustasyong namamayani sa kaniyang puso. "Please, Caleb..." mas emosyonal na ngayon ang pagsusumamo niya. Doon napahinto nang tuluyan ang asawa saka tinitigan siya ng may pagtataka. "Are you on your period?" Sinadya niyang huwag magtama ang mga mata nilang dalawa saka napailing. Alam niya kasing hindi papatalo si Caleb oras na magpakita siya ng konting kahinaan dito. Sa loob ng limang taon, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang pagsilbihan ito at maging mabuting asawa. Naging sunud-sunuran siya sa lahat ng gusto nito kahit madalas na niyang naisasakripisyo ang sariling kaligayahan para lamang mapasaya si Caleb. "Then don't spoil the fun. Stop being boring, Diane." Bumuka ang labi niya para magprotesta. Gusto niyang pasinungalingan ang mga sinabi nito ngunit hindi niya nagawa dahil bago pa man lumabas ang mga salita nito ay nauna ng bumalik sa alaala niya ang mga natuklasan. Dahil sa kagustuhan ni Caleb ay limang taon na ring nananatiling lihim ang pagsasama nila sa mata ng publiko. Namuhay sila bilang mag asawa sa papel at nasanay na rin siyang madalas maiwang mag-isa sa mansyon tulad na lamang ngayon. Sinubukan niyang pasayahin ang sarili sa pamamagitan ng cup noodles pero kahit anong gawin niyang tago, wala pa ring epekto ang init nito sa panlalamig na nararamdaman ng puso niya— hindi habang paulit-ulit nitong pinapanood ang isang video sa kaniyang cellphone. Hindi habang kinikilala nito ang lalaking nagsusuot ng mamahaling diamond ring sa babaeng nasa video. "Yes, I'll marry you! Handa na akong mahalin ka habambuhay," may galak pang sambit ng babae sa pinapanood. Bahagya siyang natulala sa suot na relos ng lalaki dahil maliban sa nagkakahalaga iyon ng milyones ay bilang lamang ang mga personalidad na nagmamay-ari nito. At sa kasamaang palad, kabilang sa kanila ang pinakamamahal niyang asawa. Hindi tuloy napigilan ni Diane ang emosyong namayani sa kaniyang dibdib habang paulit-ulit na kinikilala ang lalaking nasa video— na para bang sinasadya na nitong saktan ang sarili sa ginagawa. Ilang buwan na rin kasi magmula ng tanggapin niya ang friend request ng babaeng nasa video, na naging umpisa rin ng kalbaryo niya. Dahil doon hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang nasilayan ang kakaibang bersyon ng asawa. Kung paano ang dominante, masungit at mala-yelo sa lamig na Caleb ay naging maalalahanin, romantiko at sweet na boyfriend sa piling ng iba. 'Ang unfair mo, Caleb...' bulong niya habang dinadama ang hilam na mga luha. Luha na hindi na nito mabilang kung ilang beses niyang sinayang para lamang sa pagsasamang alam naman nitong sa umpisa pa lang ay wala ng patutunguhan. "Caleb, please!" "You don't have the right to stop me." Sapat na ang mga salitang narinig niya mula sa asawa upang pigilan ang namumuo na namang mga luha at kayanin ang sakit na nararamdaman. Walang halong pagpapanggap, nais sana niyang sabihin sa asawa ang isa pang bumabagabag sa isipan niya magmula noong ginamit siya nito ng lasing at walang gamit na alin mang proteksyon. "Caleb nitong mga nakaraang araw ramdam ko kasing nananakit ang —" Hindi na nagawa pang sabihin ni Diane ang panay na pananakit ng kaniyang kasukasuhan matapos marahas na inangkin ng asawa ang kaniyang mga labi. Hindi rin nakaligtas dito ang salamin niyang kulang na lang ay ihagis nang malakas ni Caleb sa sahig dala ng paulit-ulit niyang pambibitin dito. Labag man sa kalooban niya ang nangyayari ngunit lihim na lamang siyang napabuntong-hininga habang dinadama ang init ng matipunong katawan ng asawa, tanda ng pagsuko. Makalipas ang ilang sandali, hinipan na lamang ng malamig na hangin ang hubad niyang katawan. At bago pa man nito tuluyang maipikit ang mga mata dala ng pagod at panlalatang nararamdaman ay wala siyang nagawa kung hindi sagutin ang tawag sa kaniyang telepono. "Pinapapunta kita dito, Diane," may pinalidad na wika ng biyenan mula sa kabilang linya. Puno ng pangamba tuloy siyang napalingon sa kinaroroonan ng asawang mukhang abala na rin sa kinakausap nito sa telepono. Bakit ngayon pa kung kailan balak niyang kumpirmahin ang isang mahalagang bagay na alam nitong maaring makaapekto sa relasyon nilang dalawa ni Caleb?SABIHIN mang nagawan ng paraan ni Caleb ang gulong namagitan sa mansyon pero hindi ibig sabihin ay mapapatawad niya na rin ang panlolokong nagawa nito.Sa estudyong inilaan niya para sa mga proyekto, inilabas nito ang frustrasyon, pagkadismaya at galit na nararamdaman hindi lamang sa asawa kung hindi maging sa pamilya nito.Limang taon na rin kasi ang nakakalipas magmula nang talikuran nito ang pinakamalaking oportunidad na dumating sa kaniyang buhay para lamang manatili ng Pilipinas at tumayong ina kay Theo.Sino ba namang hindi manghihinayang, hindi ba?Lalo na ngayong punong-puno ng pagsisisi ang puso niya dahil minahal nito ang lalaking ginamit lamang siya para sa kapakanan ng babaeng pinakamamahal nito.Matapos masiguradong handa na ang lahat para sa magiging delivery ay napahigpit na lamang ang pagkakahawak nito sa marker habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kalendaryong nasa harapan.Walong araw...Walong araw na lang ang hihintayin at makakalaya na rin ang ina nitong limang
MARIING pumikit si Diane upang pakalmahin ang sarili ngunit kahit anong gawin niya ay lalo lamang siyang binalot matinding frustrasyong nararamdaman."Totoo bang ikaw ang biological mother ni Theo?"Maamo ang mga mata nitong bumaling sa kaniya saka marahang tumango. "Limang taon na rin ang nakakalipas magmula noong isinilang ko si Theo. Kinailangan kong ilihim ang pagbubuntis ko sa kaniya dahil mahigpit iyong ipinagbabawal sa kontratang pinirmahan ko bilang artista, mawawalan ako ng career at masisira lahat ng pinaghirapan ko magmula noon."Nahigit niya ang hininga nang marinig ang paunang rebelasyon ni Serena."Ibig sabihin, ang ama ni Theo..."May parte ng pagkatao niyang hinihiling na sana ibang pangalan ang marinig mula dito ngunit hindi iyon pinaboran ng pagkakataon."Anak namin siyang dalawa ni Caleb."Mahinahon man ang pagkakasabi ni Serena ngunit nagmistula namang matatalim na kutsilyong bumaon ng dahan-dahan sa puso ni Diane ang mga salita nito.Hindi nito akalaing ang batang
ISANG ORAS bago ang nakatakda nilang usapan ng biyenan ay naisipan munang dumaan ni Diane sa pinakamalapit na drugstore. Sa pamamagitan kasi ng pregnancy test na bibilhin nito, matuldukan na rin ang paulit-ulit na bumabagabag sa isipan niya.Masyado kasi siyang naging abala sa trabaho at sa social media account ng babaeng palaging kasama ni Caleb kamakailan kung kaya naman napasawalang bahala tuloy nito ang iniida ng kaniyang katawan.Hindi niya pa man nagagawang maitago ang maliit na paper bag nang mapansin niya ang hindi mabilang na missed calls mula sa kaniyang assistant."Mabel, napatawag ka?""Pasensya na ho, Ma'am Diane. Alam kong hindi ko dapat kayo ginugulo sa mga oras na 'to pero bigla po kasing tumawag ang kliyente natin, gusto nilang madaliin ang delivery ng mga artworks bukas na bukas din."Kumunot ang noo niya sa narinig. "Hindi ba sa susunod na linggo ang usapan natin?"Dinig na dinig nito kung paano huminga ng malalim ang assistant, tanda ng matinding stress. "Nagkaroon
HINDI ba kay sarap sa pakiramdam na ipagdiwang ang bagong taon kasama ang taong iyong pinakamamahal? Kay ganda sanang saksihan ang makukulay na fireworks sa madilim na kalangitan kahit ilang milya pa ang layo sa iyong kinatatayuan."Happy New Year," mahinang bulong ni Diane sa sarili habang dinadama ang namumuong bigat sa kaniyang dibdib.Pilitin man nitong ngumiti ngunit tila nagkasundo ang lamig ng silid at panlalamig na nararamdaman ng puso sa mga oras na ito.At imbes na matuwa ay tila ba hindi naging maganda ang epekto sa kaniya ng selebrasyong naririnig mula sa labas.Tunay nga namang magandang pagkakataon SANA ang okasyong ito upang mabigyang kulay muli ang pagsasama nilang dalawa ni Kaleb ngunit sa huli ay nagmistula lamang itong isang normal na gabi para sa kaniya.Nang mas lumalim ang gabi ay nanatili siyang tahimik sa kinahihigaan. Sinubukan nitong gawing sandalan ang makapal na puting comforter sa kaniyang higaan ngunit hindi pa rin nito nagawang pakalmahin ang mga bumabag







