แชร์

Chapter 2: When Truth Reveals Itself

ผู้เขียน: VeraChan
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-12-30 07:53:32

ISANG ORAS bago ang nakatakda nilang usapan ng biyenan ay naisipan munang dumaan ni Diane sa pinakamalapit na drugstore. Sa pamamagitan kasi ng pregnancy test na bibilhin nito, matuldukan na rin ang paulit-ulit na bumabagabag sa isipan niya.

Masyado kasi siyang naging abala sa trabaho at sa social media account ng babaeng palaging kasama ni Caleb kamakailan kung kaya naman napasawalang bahala tuloy nito ang iniida ng kaniyang katawan.

Hindi niya pa man nagagawang maitago ang maliit na paper bag nang mapansin niya ang hindi mabilang na missed calls mula sa kaniyang assistant.

"Mabel, napatawag ka?"

"Pasensya na ho, Ma'am Diane. Alam kong hindi ko dapat kayo ginugulo sa mga oras na 'to pero bigla po kasing tumawag ang kliyente natin, gusto nilang madaliin ang delivery ng mga artworks bukas na bukas din."

Kumunot ang noo niya sa narinig. "Hindi ba sa susunod na linggo ang usapan natin?"

Dinig na dinig nito kung paano huminga ng malalim ang assistant, tanda ng matinding stress. "Nagkaroon po yata ng problema sa usapan nila, Ma'am. Sabi po ng in-charge kanina, hindi raw magiging issue sa kanila ang presyo ang mahalaga makarating ang mga kinakailangan nilang artworks bukas."

Saglit siyang napaisip bago sumagot, "Sabihin mo sa kanilang magagawa natin ang request nila kung handa silang magbayad ng doble lalo na't magiging rush order ang pinapagawa nila."

"Doble po? Pero..."

"Hanggang doon na lang ang magiging offer natin, Mabel. Kung hindi nila kakayanin, pwede nating ibalik sa kanila ang downpayment. Walang problema iyon."

Narinig pa nitong muling napabuntong-hininga ang assistant ngunit wala rin itong nagawa kung hindi sundin ang mga sinabi niya.

Akmang ibababa na sana ni Diane ang hawak na cellphone nang aksidente nitong mabuksan ang isang notification.

'Aktres na si Serena Rivera bumalik na ng Pilipinas matapos ang engrandeng bakasyon kasama ang milyonaryong boyfriend sa Paris, France."

Pigil ang hiningang prinoseso ng isipan nito ang nabasang balita sa social media habang inaalala na isang linggong pumunta ng Paris ang asawa para sa 'di umano'y mahalagang convention.

Hindi man maaninag ang mukha ng lalaking nasa litrato dahil naka-side view lamang ito ngunit unang sulyap pa lamang ni Diane ay mabilis na nitong nakilala ang asawa.

Napatigil siya sa pag-iisip at sinubukang kumpirmahin ang hinala sa pamamagitan ng account ng babae at doon natagpuan ang litrato ng mga itong magkayakap habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

Sa kabila ng nakita, muntik na nitong sampalin ang sarili dahil imbes na maluha ay napangiti na lamang siya sa kinauupuan.

Gusto niyang matawa sa sariling katangahan, sa sariling kagagahan lalo na't matagal na panahon din siyang umasang mamahalin siya ng lalaking noon pa man ay wala naman talagang interes sa kaniya.

At kung sakali mang humingi ng annulment si Caleb?

Tanggap nitong wala na siyang magagawa kung hindi ang pumayag. Lalo na ngayong bumalik na ang babaeng pinakamamahal nito at ibig sabihin, tuluyan na rin siyang mawawalan ng halaga sa buhay ng asawa.

"Konting tiis na lang, Diane..." bulong niya sa sarili nang marating ang destinasyon.

Hindi pa man nakakarating sa mansyon, pakiramdam nito ay unti-unti na naman siyang nalulula. Lahat kasi ng natatanaw niya mula sa gate ay pagmamay-ari ng mga Dela Merced.

Hindi lang kasi mayaman ang pamilya ng lalaking napangasawa, maimpluwensya at makapangyarihan din ang mga ito.

Noong unang taon ng pagsasama nilang dalawa ni Caleb ay ginawa niya ang lahat para lamang magustuhan ng biyenan pero lumipas na lamang ang panahon ay hindi man lang nagbago ang tingin nito sa kaniya.

Inisip na lamang niya na dahil iyon sa kaniyang family background— kahit kasi nagmula siya sa isang kilala at prominenteng angkan tulad ng mga Dela Merced, hindi siya kinilala bilang tagapagmana ng pamilya dahil bunga lamang siya ng pagkakamali ng mga magulang.

Maliban doon, itinuring silang salot ng pamilya Samaniego dahil sa aksidenteng pagkakapatay ng kaniyang ina sa kaniyang ama.

Kinasuhan ng pamilya ang kaniyang ina at hiniling na patawan ito ng reklusion perpetua kahit alam naman ng lahat na self-defense ang nangyari mula sa paulit-ulit na pananakit ng kaniyang ama sa kanila noon.

Ginawa ni Diane ang lahat ng makakaya upang matulungan ang sariling ina. Sinubukan niyang humingi ng tulong sa pamilya nito ngunit sa huli ay itinakwil lamang sila ng mga Divinagracia.

Hanggang mapadpad siya sa kamay ni Caleb Dela Merced, isang kinakatakutan at tinitingalang abogado na wala pang naipapatalong kaso magmula noon.

Sa tulong nito ay nagawa nilang mapababa sa limang taong pagkakakulong ang kaso ng kaniyang ina ngunit kapalit ay kinakailangan niyang magpakasal ng lihim kay Caleb at palakihin na parang sariling anak ang batang inampon nito mula sa yumaong bestfriend.

Malinaw sa kaniyang ikinasal lamang silang dalawa ni Caleb para maresolba ang kani-kaniyang suliranin.

Walang natanggap na pagbati mula sa mga kasambahay si Diane nang marating nito ang mansyon, talagang kung gaano kalamig ang pakikitungo sa kaniya ng biyenan ay gano'n din ang pinaparamdam ng mga tauhan nito.

"Mommy!"

Kung hindi lamang dahil sa anghel na nasa harapan niya ngayon, baka marami na siyang naisip na alibi mula kagabi.

Pero nang mahigpit na pumulupot sa kaniyang bewang ang munti nitong mga braso na sinamahan pa ng inosente nitong mga matang tumingala sa kaniya ay literal na natunaw ang puso ni Diane.

"I miss you, Mommy! Uuwi na po tayo?" naluluha nitong tanong sa kaniya. "Sabi po kasi ni Mommyla, ayaw niyo na po sa 'kin kaya ayaw niyo na po akong kunin."

Nabigla siya sa sinabi ni Theo kaya naman agad na hinanap ng paningin niya ang biyenan.

At gano'n na lamang ang pagkawindang na naramdaman nito nang makitang nakaupo ang ginang sa paborito nitong pwesto habang nakatayo sa tabi nito ang babaeng madalas lamang niyang makita sa mga larawan.

Serena Rivera...

Anong ginagawa niya dito?

Saglit siyang natulos sa kinatatayuan hanggang sa napagtanto nitong marahil normal lamang iyon dahil unti-unti na rin namang naisasapubliko ang relasyon nilang dalawa ni Caleb.

Isa lang ang ibig sabihin ng presensya nito ngayon— mukhang tinanggap na ito ng biyenan bilang bagong myembro ng pamilya Dela Merced.

"Mommy, please..." muling inagaw ni Theo ang kaniyang atensyon. "Hindi po totoo ang sinabi ni Mommyla, 'di ba? Hindi po kayo maghihiwalay ni Daddy?"

Napailing siya sa mga sinasabi ng anak.

Sa edad na limang taon gulang, batid niyang hindi dapat ganito ang nararamdaman ni Theo lalo na't magmula noon ay itinuring niya na itong sarili niyang anak.

Iniisip pa lang nitong maiiwan niyang luhaan ang bata oras na makipaghiwalay siya kay Caleb ay para na rin nitong pinaparusahan ng sarili.

"Bumalik ka dito, Theo!"

Nagmamaktol na umiling ang bata saka mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa kaniya.

"No! I want to go home with mommy! My mommy!"

Mabilis na napalitan ng inis ang kalmadong ekspresyon ng biyenan nito. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yong hindi mo tunay na ina ang babaeng 'yan! Bumalik na ang totoo mong mommy, Serena ang pangalan niya, isa siyang sikat na artista, mas maganda, mas matalino, mas mabait, mas mamahalin ka niya kaysa sa babaeng tinatawag mong mommy!"

Muntik nang mapugto ang hininga ni Diane sa narinig.

Hindi ba't matagal ng patay ang mga magulang ni Theo? Paano naging si Serena ang totoo nitong ina?

Ibig sabihin ba pawang kasinungalingan lamang ang mga sinabi sa kaniya ni Caleb noon?"

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Loveless Marriage: The Broken Wife Strikes Back    Chapter 4: The Broken Wife and His Offer

    SABIHIN mang nagawan ng paraan ni Caleb ang gulong namagitan sa mansyon pero hindi ibig sabihin ay mapapatawad niya na rin ang panlolokong nagawa nito.Sa estudyong inilaan niya para sa mga proyekto, inilabas nito ang frustrasyon, pagkadismaya at galit na nararamdaman hindi lamang sa asawa kung hindi maging sa pamilya nito.Limang taon na rin kasi ang nakakalipas magmula nang talikuran nito ang pinakamalaking oportunidad na dumating sa kaniyang buhay para lamang manatili ng Pilipinas at tumayong ina kay Theo.Sino ba namang hindi manghihinayang, hindi ba?Lalo na ngayong punong-puno ng pagsisisi ang puso niya dahil minahal nito ang lalaking ginamit lamang siya para sa kapakanan ng babaeng pinakamamahal nito.Matapos masiguradong handa na ang lahat para sa magiging delivery ay napahigpit na lamang ang pagkakahawak nito sa marker habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kalendaryong nasa harapan.Walong araw...Walong araw na lang ang hihintayin at makakalaya na rin ang ina nitong limang

  • Loveless Marriage: The Broken Wife Strikes Back   Chapter 3: The Feeling That's Lost

    MARIING pumikit si Diane upang pakalmahin ang sarili ngunit kahit anong gawin niya ay lalo lamang siyang binalot matinding frustrasyong nararamdaman."Totoo bang ikaw ang biological mother ni Theo?"Maamo ang mga mata nitong bumaling sa kaniya saka marahang tumango. "Limang taon na rin ang nakakalipas magmula noong isinilang ko si Theo. Kinailangan kong ilihim ang pagbubuntis ko sa kaniya dahil mahigpit iyong ipinagbabawal sa kontratang pinirmahan ko bilang artista, mawawalan ako ng career at masisira lahat ng pinaghirapan ko magmula noon."Nahigit niya ang hininga nang marinig ang paunang rebelasyon ni Serena."Ibig sabihin, ang ama ni Theo..."May parte ng pagkatao niyang hinihiling na sana ibang pangalan ang marinig mula dito ngunit hindi iyon pinaboran ng pagkakataon."Anak namin siyang dalawa ni Caleb."Mahinahon man ang pagkakasabi ni Serena ngunit nagmistula namang matatalim na kutsilyong bumaon ng dahan-dahan sa puso ni Diane ang mga salita nito.Hindi nito akalaing ang batang

  • Loveless Marriage: The Broken Wife Strikes Back   Chapter 2: When Truth Reveals Itself

    ISANG ORAS bago ang nakatakda nilang usapan ng biyenan ay naisipan munang dumaan ni Diane sa pinakamalapit na drugstore. Sa pamamagitan kasi ng pregnancy test na bibilhin nito, matuldukan na rin ang paulit-ulit na bumabagabag sa isipan niya.Masyado kasi siyang naging abala sa trabaho at sa social media account ng babaeng palaging kasama ni Caleb kamakailan kung kaya naman napasawalang bahala tuloy nito ang iniida ng kaniyang katawan.Hindi niya pa man nagagawang maitago ang maliit na paper bag nang mapansin niya ang hindi mabilang na missed calls mula sa kaniyang assistant."Mabel, napatawag ka?""Pasensya na ho, Ma'am Diane. Alam kong hindi ko dapat kayo ginugulo sa mga oras na 'to pero bigla po kasing tumawag ang kliyente natin, gusto nilang madaliin ang delivery ng mga artworks bukas na bukas din."Kumunot ang noo niya sa narinig. "Hindi ba sa susunod na linggo ang usapan natin?"Dinig na dinig nito kung paano huminga ng malalim ang assistant, tanda ng matinding stress. "Nagkaroon

  • Loveless Marriage: The Broken Wife Strikes Back   Chapter 1: When Everything Starts Falling

    HINDI ba kay sarap sa pakiramdam na ipagdiwang ang bagong taon kasama ang taong iyong pinakamamahal? Kay ganda sanang saksihan ang makukulay na fireworks sa madilim na kalangitan kahit ilang milya pa ang layo sa iyong kinatatayuan."Happy New Year," mahinang bulong ni Diane sa sarili habang dinadama ang namumuong bigat sa kaniyang dibdib.Pilitin man nitong ngumiti ngunit tila nagkasundo ang lamig ng silid at panlalamig na nararamdaman ng puso sa mga oras na ito.At imbes na matuwa ay tila ba hindi naging maganda ang epekto sa kaniya ng selebrasyong naririnig mula sa labas.Tunay nga namang magandang pagkakataon SANA ang okasyong ito upang mabigyang kulay muli ang pagsasama nilang dalawa ni Kaleb ngunit sa huli ay nagmistula lamang itong isang normal na gabi para sa kaniya.Nang mas lumalim ang gabi ay nanatili siyang tahimik sa kinahihigaan. Sinubukan nitong gawing sandalan ang makapal na puting comforter sa kaniyang higaan ngunit hindi pa rin nito nagawang pakalmahin ang mga bumabag

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status