เข้าสู่ระบบMARIING pumikit si Diane upang pakalmahin ang sarili ngunit kahit anong gawin niya ay lalo lamang siyang binalot matinding frustrasyong nararamdaman.
"Totoo bang ikaw ang biological mother ni Theo?" Maamo ang mga mata nitong bumaling sa kaniya saka marahang tumango. "Limang taon na rin ang nakakalipas magmula noong isinilang ko si Theo. Kinailangan kong ilihim ang pagbubuntis ko sa kaniya dahil mahigpit iyong ipinagbabawal sa kontratang pinirmahan ko bilang artista, mawawalan ako ng career at masisira lahat ng pinaghirapan ko magmula noon." Nahigit niya ang hininga nang marinig ang paunang rebelasyon ni Serena. "Ibig sabihin, ang ama ni Theo..." May parte ng pagkatao niyang hinihiling na sana ibang pangalan ang marinig mula dito ngunit hindi iyon pinaboran ng pagkakataon. "Anak namin siyang dalawa ni Caleb." Mahinahon man ang pagkakasabi ni Serena ngunit nagmistula namang matatalim na kutsilyong bumaon ng dahan-dahan sa puso ni Diane ang mga salita nito. Hindi nito akalaing ang batang itinuring niyang sariling anak at minahal sa loob ng limang taon ay bunga pala ng pagmamahalan ng asawa at babaeng buong buhay nitong minahal. Lihim siyang napahawak sa kaniyang dibdib na para bang pinipiga nang mahigpit mula sa natuklasan. Maging ang mga tuhod niya ay mukhang bibigay na rin anumang oras dahil sa labis na panghihina. "I'm sorry for keeping this from you for so long, Diane. Actually, ilang beses kong sinabi kay Caleb na sabihin sa'yo ang totoo pero mas gusto niyang sarilinin na lang at huwag hayaang may ibang makaalam. The fewer outsiders knew, the better 'yan ang palagi niyang sinasabi." Outsider? Gusto niyang matawa sa sinabi ni Serena. Hindi nito akalaing sa loob ng limang taong paninilbihan bilang mabuting may bahay at mapagmahal na ina ay isang outsider lamang ang turing sa kaniya ni Caleb. Nanghihina siyang napayuko upang pigilan ang namumuong mga luha. 'Bakit mo nagawa sa akin ito, Caleb? May nagawa ba akong kasalanan para parusahan mo ako ng ganito? Saan ba ako nagkulang?" "Alam kong kulang ang pasasalamat...kaya habambuhay kong tatanawing malaking utang na loob ang kabutihang ipinaramdam mo anak ko, Diane." May ngiti sa labi siya nitong nilapitan na tila ba nagmistula silang matalik na magkaibigan sa mga mata nito. "Bilang biological mother ni Theo nagpapasalamat akong ikaw ang nagpalaki sa kaniya, napakabuti niyang bata, malambing, masunurin at mapagmahal. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo, Diane." Mahigpit niyang naitikom ang mga labi, maging ang kamay niyang nakahawak kay Theo ay nanginginig rin. Gustuhin man nitong tanggapin ang pasasalamat ni Serena ngunit hindi niya kayang lunukin ang katotohanang matagal na panahon siyang niloko ng asawa. "You're lying! Si Mommy Diane ang mommy ko!" Maging siya ay nabigla rin nang malakas na itinulak ni Theo ang sariling ina. "Hindi ikaw ang mommy ko! Ayoko sa'yo! Ayaw kitang maging mommy! Bad ka!" Nanggagalaiting napatayo ang biyenan sa kinatatayuan dahil sa inasal ni Theo. "Walang hiya ka talagang babae ka! Ganito ba ang ginawa mong pagpapalaki sa apo ko? Walang galang sa mas nakakatanda?" Naluluha niyang pinagmasdan si Theo, hindi niya akalaing dahil sa pagpapakita nito ng kahinaan ay magkakaroon ng lakas ng loob ang bata na ipaglaban siya. "Masyado pang bata si Theo, Mommy. Siya ang mas nahihirapan sa sitwasyong ito, kailangan muna nating ipaintindi nang mabuti sa kaniya ang lahat." "Akala mo ba wala akong kaalam-alam sa mga binabalak mo? Hanggang kailan mo ipagpipilitan ang sarili mo sa pamilya ko?" Sapat na ang boses ng biyenan para magulantang ang mayordoma ng mansyon at alertong lumapit sa kinaroroonan nila. "Ilayo mo ang apo ko sa babaeng 'yan! Kailanman ay hindi ko hahayaang palakihin ng basurang 'yan ang apo ko!" "No! Don't touch me! I want to go home with Mommy!" Parang dinurudog ang puso niya nang marinig ang pagpoprotesta ni Theo na sinundan pa ng mga hagulgol. "Uwi na tayo mommy, please. Uwi na po tayo kay Daddy!" Wala siyang nagawa kung hindi nagmamakaawang pinigilan ang mayordoma. "Pakiusap. Alam niyong mayroong asthma si Theo, ayokong makasama sa sakit niya ang mga nangyayari." Alam niyang narinig iyon ni Selera dahilan para muli itong bumalik sa kinaroroonan ng biyenan para makiusap. "Auntie, please! Kasalanan ko ang lahat dahil naging pabaya akong ina. Kasalanan ko kung bakit hindi ako kinikilalang mommy ni Theo. Huwag niyong hayaang masaktan ang anak ko, please." Nang kumalas ang mayordoma sa paghahawak dito ay mabilis na bumalik sa kinaroroonan ni Diane ang bata. Humahagulgol na naman itong yumakap sa kaniya dahilan para mapilitan siyang pakalmahin ito. "Huwag ka ng umiyak, okay? Nandito si mommy. Hinding-hindi ka iiwan ni mommy," aniya habang pinupunasan ng hinlalaki ang hilam na luha sa mga pisngi nito. Hindi naging sapat ang mga nangyari para huminto ang biyenan. "Naiintindihan ko na kung bakit hanggang ngayon ay malayo pa rin ang loob ng apo ko sa 'kin at kung bakit gano'n na lamang ang paniniwala niyang ikaw ang tunay niyang ina, Diane! You're brainwashing him! Hindi lang si Caleb ang binilog mo, pinaniwala mo rin sa mga kasinungalingan mo ang apo ko!" Sinubukan niyang panghawakan ang natitirang respeto sa ginang ngunit sa huli ay hindi pa rin nito napigilan ang sarili. "Limang taon, Mommy. Limang taon kong pinangarap na matanggap niyo ako bilang asawa ni Caleb. Limang taon akong nagtiis kahit alam kong napakababa ng tingin niyo sa 'kin..." Kusang nabasag ang kanina ay kalmado niyang boses habang nagsasalita. "Pero ngayon tanggap ko nang kahit anong gawin ko ay hindi niyo ako matatanggap, na basura lamang ang tingin niyo sa akin." Kumawala ang maharas na hininga mula kay Diane nang tuluyan na itong nilamon ng sama ng loob na nararamdaman. "Sabihin niyo ngayon, Mommy...sino sa ating dalawa ang hindi magandang ehemplo kay Theo? Sino sa ating dalawa ang hindi marunong rumespeto ng kapwa?" "Wala kang utang na loob, Diane!" nanggagalaiti nitong sigaw. "Hinding-hindi kita matatanggap sa pamilyang ito!" Imbes na masaktan ay napailing na lamang siya habang nakatitig dito. "Hindi na kailangan, Mommy. Natuto na akong huwag ipagpilitan ang sarili ko kahit kanino...at kung sakali mang maghihiwalay kami ni Caleb, desisyon na naming dalawa 'yon. Handa rin akong ibigay sa inyo ang kustudiya ni Theo." Sa murang edad, alam niyang naintindihan ni Theo ang sinabi niya, matalino itong bata at marunong din itong makiramdam sa paligid. "No, Mommy!" Mas nagpursigi itong manatili sa tabi niya habang patuloy pa rin ang mga luha. "Please don't leave me, Mommy! Ayoko po sa house ni Mommyla! Ayoko din po sa kaniya! Please mommy, magiging good boy po ako promise!" Hindi niya natiis ang nagsusumamong tinig ng bata. "Hayaan niyo akong isama pauwi si Theo, ibabalik ko siya oras na magawa ko nang maipaintindi sa kaniya ang mga nangyayari." Alam ni Diane na suntok sa buwan ang hinihiling niya pero sinubukan niya pa rin alang-alang sa kapakanan ni Theo. Imbes na pagbigyan siya ay mas lalo lamang nanggalaiti sa galit ang biyenan habang muli namang nakiusap si Serena pero makailang ulit din itong itinulak papalayo ng sariling anak. Sapilitan nilang inilayo sa kaniya si Theo at sa kaligtaan ng nangyayaring gulo ay napangiwi na lamang si Diane nang malakas siyang naitulak ng isang kasambahay. Hindi maipaliwanag na sakit ang naramdaman nito sa kaniyang kasukasuhan pero tiniis niya iyon sa abot ng makakaya. Hanggang sa bigla na lamang natahimik ang lahat nang bumukas ang pinto ng mansyon. Mula sa isang itim na Mercedes Benz, bumaba ang isang lalaking nakasuot ng kulay na itim na tuxedo. Makisig, respetado at pormal na pormal ang bawat hakbang nito papalapit sa kanila. Nang mga oras na 'yon, ang tanging nagawa na lamang ni Diane ay panoorin ang asawa dahil kahit anong gawin nito ay tuluyan ng naglaho ang pagmamahal at respetong nararamdaman niya para dito.SABIHIN mang nagawan ng paraan ni Caleb ang gulong namagitan sa mansyon pero hindi ibig sabihin ay mapapatawad niya na rin ang panlolokong nagawa nito.Sa estudyong inilaan niya para sa mga proyekto, inilabas nito ang frustrasyon, pagkadismaya at galit na nararamdaman hindi lamang sa asawa kung hindi maging sa pamilya nito.Limang taon na rin kasi ang nakakalipas magmula nang talikuran nito ang pinakamalaking oportunidad na dumating sa kaniyang buhay para lamang manatili ng Pilipinas at tumayong ina kay Theo.Sino ba namang hindi manghihinayang, hindi ba?Lalo na ngayong punong-puno ng pagsisisi ang puso niya dahil minahal nito ang lalaking ginamit lamang siya para sa kapakanan ng babaeng pinakamamahal nito.Matapos masiguradong handa na ang lahat para sa magiging delivery ay napahigpit na lamang ang pagkakahawak nito sa marker habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kalendaryong nasa harapan.Walong araw...Walong araw na lang ang hihintayin at makakalaya na rin ang ina nitong limang
MARIING pumikit si Diane upang pakalmahin ang sarili ngunit kahit anong gawin niya ay lalo lamang siyang binalot matinding frustrasyong nararamdaman."Totoo bang ikaw ang biological mother ni Theo?"Maamo ang mga mata nitong bumaling sa kaniya saka marahang tumango. "Limang taon na rin ang nakakalipas magmula noong isinilang ko si Theo. Kinailangan kong ilihim ang pagbubuntis ko sa kaniya dahil mahigpit iyong ipinagbabawal sa kontratang pinirmahan ko bilang artista, mawawalan ako ng career at masisira lahat ng pinaghirapan ko magmula noon."Nahigit niya ang hininga nang marinig ang paunang rebelasyon ni Serena."Ibig sabihin, ang ama ni Theo..."May parte ng pagkatao niyang hinihiling na sana ibang pangalan ang marinig mula dito ngunit hindi iyon pinaboran ng pagkakataon."Anak namin siyang dalawa ni Caleb."Mahinahon man ang pagkakasabi ni Serena ngunit nagmistula namang matatalim na kutsilyong bumaon ng dahan-dahan sa puso ni Diane ang mga salita nito.Hindi nito akalaing ang batang
ISANG ORAS bago ang nakatakda nilang usapan ng biyenan ay naisipan munang dumaan ni Diane sa pinakamalapit na drugstore. Sa pamamagitan kasi ng pregnancy test na bibilhin nito, matuldukan na rin ang paulit-ulit na bumabagabag sa isipan niya.Masyado kasi siyang naging abala sa trabaho at sa social media account ng babaeng palaging kasama ni Caleb kamakailan kung kaya naman napasawalang bahala tuloy nito ang iniida ng kaniyang katawan.Hindi niya pa man nagagawang maitago ang maliit na paper bag nang mapansin niya ang hindi mabilang na missed calls mula sa kaniyang assistant."Mabel, napatawag ka?""Pasensya na ho, Ma'am Diane. Alam kong hindi ko dapat kayo ginugulo sa mga oras na 'to pero bigla po kasing tumawag ang kliyente natin, gusto nilang madaliin ang delivery ng mga artworks bukas na bukas din."Kumunot ang noo niya sa narinig. "Hindi ba sa susunod na linggo ang usapan natin?"Dinig na dinig nito kung paano huminga ng malalim ang assistant, tanda ng matinding stress. "Nagkaroon
HINDI ba kay sarap sa pakiramdam na ipagdiwang ang bagong taon kasama ang taong iyong pinakamamahal? Kay ganda sanang saksihan ang makukulay na fireworks sa madilim na kalangitan kahit ilang milya pa ang layo sa iyong kinatatayuan."Happy New Year," mahinang bulong ni Diane sa sarili habang dinadama ang namumuong bigat sa kaniyang dibdib.Pilitin man nitong ngumiti ngunit tila nagkasundo ang lamig ng silid at panlalamig na nararamdaman ng puso sa mga oras na ito.At imbes na matuwa ay tila ba hindi naging maganda ang epekto sa kaniya ng selebrasyong naririnig mula sa labas.Tunay nga namang magandang pagkakataon SANA ang okasyong ito upang mabigyang kulay muli ang pagsasama nilang dalawa ni Kaleb ngunit sa huli ay nagmistula lamang itong isang normal na gabi para sa kaniya.Nang mas lumalim ang gabi ay nanatili siyang tahimik sa kinahihigaan. Sinubukan nitong gawing sandalan ang makapal na puting comforter sa kaniyang higaan ngunit hindi pa rin nito nagawang pakalmahin ang mga bumabag







