Nang pumasok si Lysander sa silid, agad niyang napansing mahimbing pa ring natutulog si Chlorothea.May benda pa ang ulo ng dalaga, patunay ng sugat na halos muntik nang magdulot ng mas malala. Nakatalikod ito sa pinto, bahagyang nakatagilid ang katawan, at halatang malalim ang tulog.Tahimik siyang umikot at naupo sa silyang nasa tabi ng kama.Sandali siyang hindi gumalaw.Pinagmasdan lamang niya ang mukha ng dalaga, malaya, walang bantay, walang maskarang emosyon. Ngayon lamang niya ito nasilayan nang ganito kalapit at katahimik.Matangos ang ilong nito. Mahahaba ang pilikmata na bahagyang nanginginig sa bawat paghinga.She sleeps like a child.Bahagya siyang napangiti.Sinong mag-aakalang kapag gising, ang babaeng ito ay matapang, matigas ang ulo, at laging handang lumaban? Someone who challenges him without hesitation and somehow unsettles him.Biglang sumagi sa isip niya ang sandaling nakita niya itong duguan.
Baca selengkapnya