Limang batang lansangan na naman ang natagpuang patay.Natagpuan ang mga katawan nila sa loob ng isang lumang sementeryo, malamig, tahimik, at parang sadyang pinili para takutin ang buong lungsod.Si Rowen at ang ibang miyembro ng Strike Team ang ipinadala ni Lysander sa lokasyon. Samantala, biglang ipinatawag ng Presidente ang binatang Heneral sa headquarters.“Gaya ng mga nauna,” seryosong wika ni Sabrina habang nakatingin sa report sa harap niya, “may parehong particles ng biochemical substance sa mga bangkay ng mga bata. At natagpuan ko rin ang parehong particles sa syringe na ginamit sa pagpatay sa security guard sa Emergency Room.”“Ibig sabihin,” malamig na sagot ni Rowen habang tumitingin kay Lysander, “iisa lang ang grupo sa likod ng lahat ng ito.”“General,” dagdag ng isang babaeng analyst, “natatandaan niyo ba ang lumabas sa imbestigasyon tungkol sa Crown Corporation?&rdqu
Baca selengkapnya