Claire's POV “Ang bango ah?” Nagising ako dahil sa masarap na amoy ng sinangag. Kaagad akong bumangon at nagpunta sa kusina, “Ma? Oh! Clark?” “Godd morning, Mahal.” Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Nananaginip ba ako? “Ang aga mo namang nagluto?” Tumingala ako sa orasan, “Six thirty pa lang ah?” Inilapag niya sa harap ko ang bagong lutong sinangag. Sobrang bango! “Nagising kasi ako agad ang lakas ng ulan, kaya nagluto na ako.” Sumilip ako sa labas, “Oo nga ‘no? Buksan natin TV baka mag suspend sila ng klase.” Tumayo ako at pumunta sa sala, nilakasan ko ang volume ng TV para marinig namin hanggang sa kusina. “Come sit here, baby.” Pagbalik ko ay nandoon na rin si Elly na inalalayan ng Papa niya umupo. “Good morning baby!” Hahalik saka ako sa pisngi nito pero kaagad siyang umiwas at nagkamot ng ulo, “Ay! May topak! Hahaha!” “‘Di pa ata naaalimpungatan hahaha!” “Look oh, luto si Daddy.” Ipinakita ko sa kanya ang sinangag, tocino, daing, itlog, at pritong saging na
Última actualización : 2026-02-22 Leer más