Claire's POV Hindi magkandaugaga ngayon ang mga clerk sa jewelry shop. Nang malaman nila ang halaga ng alahas na bibilhin ni Clark ay mismong manager na ang nag-asikaso sa amin. Yung dalawang masungit kanina ay hindi magkamayaw sa kahahanap ng alahas para sa akin. Pero hindi pa rin talaga ako makapaniwalang gagastusan niya ako ng ganito kalaki para lang sa isang kwintas. “Ito po Ma'am, katulad po nung pendant na gusto niyo kanina,” alok ng manager. “Oo nga, pero gusto ko yung same din na chain. Maganda kasi mas bagay.” Hindi ko sila sinumbong sa manager nila, pero hindi rin ako papayag na hindi makaganti. “Ah sure Ma'am, wait lang po hahanapan po namin kayo.” “Ay hindi, dito ka lang. Yung dalawa na ‘yon, si Jasmine at Andrea.” Binasa ko ang mga nametag nila, “Gusto ko sila ang hahanap ng lahat ng pinapahanap ko.” Napangisi si Clark sa narinig. “Sure Ma'am, no problem po.” Nilingon niya yung dalawa, “Ano pang hinihintay niyo? Hanapan niyo ulit si Ma'am.” Sa huli, bumi
Read more