Claire's POV “Saan ka galing?” Magkakrus ang mga braso ko habang nakaupo sa sala, “Ala una na ng madaling araw. Trabaho pa ba talaga ‘yang inaatupag mo?” “Claire, I'm too tired. Of course I'm working. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?” Umupo siya sa tapat ko, “My back is killing me.” “Nakita ka raw ni Kuya Von na may babaeng ka-date.” Doon siya tuluyang nagising. Napaayos siya ng upo at tumingin sa akin, “What?! Date?” “Oo, date. Nakita ko rin yung picture.” Napahilamos siya ng mukha, “Clara, sa dinami-dami ng napagdaanan natin sa tingin mo ba mambababe ako? At saka saan niya ba ako nakita?’’ “Coffee shop.” “That was Emily, my boss. Nagmimirienda kami non. Kung saan na lang kami aabutan ng oras doon kami kumakain. I already explained it to you, right? Buong araw ang mga inaasikaso niya kaya nga nananakit ang likod ko sa kaka-drive. Maghapon kaming nasa loob ng kotse.” I sighed. Alam ko namang hindi siya nagsisinungaling, “Eh bakit ginabi ka na naman ngayon?” “
続きを読む