Claire’s POV “Ang tagal kong hinintay yan.” Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, “Ang tagal kong hinintay yung explanations mo, yung paghingi mo ng tawad. For the longest time, I thought may karapatan akong magalit sa ‘yo. Akala ko kapag nag-usap na tayo sasampalin kita, hahampasin, sasabunutan.” He chuckled, “Mukhang bugbog sarado ako sa isip mo ah?” “Tss… kung alam mo lang.” Napangiti ako dahil totoo ‘yon. Talagang gigil na gigil ako sa kanya noon, “Pero nung nakita na kita, nawala lahat.” “Nawala lahat ng galit mo?” “Oo.” “Pogi ko talaga.” Inirapan ko siya. “Nawala lahat ng galit ko, napalitan ng takot.” Kita ko sa gilid ng mata kong seryoso siyang tumitig sa akin, “Why? Are you afraid of me?” Nginisihan ko siya, “Asa ka naman. Pero yung totoo? Natakot ako na baka kunin mo si Elly. Tuwing makikita kita ninenerbyos ako.” “Hindi ako ganong klaseng tao, Clara.” I heard disappointment in his voice. “Alam ko. Pero sa tagal ng mga taong lumipas at sa da
Última actualización : 2026-02-05 Leer más