Limang taon akong nagtago sa Italy, pero ngayon, narito na ako—nakaupo sa loob ng itim na van na naghihintay sa airport, hawak nang mahigpit ang mga kamay ng kambal ko. Si Azrael sa kaliwa, si Nyxienne sa kanan. Ang mga bata, excited na excited, nakatingin sa labas ng bintana habang papalapit kami sa Tagaytay. Ang tanawin ng bundok, ang hangin na may halong amoy ng pine at dagat, lahat 'yon parang pamilyar pa rin. Pero sa loob ko, parang may bato na hindi ko maalis. Ang bawat kurbada ng daan, ang bawat puno na dumadaan, parang nagbabalik ng mga alaala na matagal ko nang sinubukang limutin."Mommy, bakit ang tahimik mo?" tanong ni Nyxienne, nakatingin sa akin sa rearview mirror. Ang maliit niyang mukha, puno ng curiosity, kamukha ko talaga kapag ngumingiti.Ngumiti ako nang pilit. "Excited lang ako makita si Lola, baby. Miss na miss ko siya."Pero hindi 'yon ang totoong dahilan. Ang totoong dahilan ay siya. Nandun siya. Hinihintay niya ako.Habang nasa daan, naalala ko ang huling
Última atualização : 2026-01-04 Ler mais