“We can’t always run from our past, for our past always makes way to follow us no matter what.”"Sigurado ka ba na okay ka lang? Puwede namang dito ka na lang muna, Hon, para makapagpahinga ka. Baka sumakit na naman ang ulo mo," nag-aalalang ani Alphy habang sabay kaming kumakain ng almusal. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil matapos akong magising kanina mula sa masamang panaginip ko ay bigla na lang sumakit ang ulo ko at sumama ang aking pakiramdam.Marahan ko namang ibinaba ang aking hawak na tasa ng kape bago ko siya tipid na nginitian. "I'm okay now, Alphy. Wala ka nang dapat ipag-alala. Saka kung sakali man na sumakit uli ang ulo ko, kasama naman kita, ah. Alam ko naman na hindi mo ako pababayaan," pahayag ko pa rito bago siya dinampian ng mabilis na halik sa kanyang pisngi bago tumayo para iligpit ang aming pinagkainan."Hayaan mo na sila, Manang, diyan, Hon," pigil pa nito sa akin nang makita ang aking ginagawa."Hon, dalawa lang ang katulong mo dito sa bahay. Ang isa, inu
Last Updated : 2026-01-23 Read more