----Aurora Genevieve Delos Santos----"Gen pasensya na talaga, hindi ka kasi talaga malalabas ni Sir ngayon. Mukang nagtatalo na naman kasi yung mag-asawa." Puno ng awang sabi sa akin ni Manang Gloria, ang isa sa pinakamatagal nang kasambahay ng pamilya Montenegro, ang pamilya ng ama ko. She also knows about me. Alam niya na anak ako ni Mr. Montenegro sa ibang babae. Sampung taong gulang pa lang ako ng tuluyan ng umalis na sa bahay si Daddy. Akala ko noong una ay dahil nagtatrabaho lang s’ya malayo pero maglaon ay naintindihan ko na rin, na sa tuwing umaalis pala siya noon ay sa tunay na pamilya niya ito umuuwi hanggang sa isang araw ay talagang hindi na ito bumalik pa sa amin ni Mama.After that day, I promised myself that I would never search for my father again. Sapat na sa akin ang Mama ko. Sinabi ko noon na mabubuhay kami ng wala siya, na gagawin ko ang lahat para sa amin ni Mama. Pumasok ako sa iba't ibang trabaho kahit pa wala pa ako sa wastong gulang. Si Mama naman ay wala r
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-01-05 อ่านเพิ่มเติม