Ang mga lumang alaalang iyon ay paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan, parang isang slideshow na ayaw tumigil, mga larawang pabalik-balik na ipinapakita ang mga sandaling minsan niyang binale-wala, ngunit ngayo’y malinaw na malinaw na bumabalik sa kanya.Taglamig noon, sa labas ng malalawak na bintana ng mansyon, ang syudad ay nababalot ng malamig at maputlang umaga. Ang manipis na hamog ay tila nakadikit sa salamin, at ang buong siyudad ay waring mas tahimik kaysa karaniwan.Nakaupo si Xavier sa sala, tahimik na nagbabasa ng diyaryo. Nakasuot siya ng simpleng sweater, seryoso ang mukha, at gaya ng dati ay tila abala sa sarili niyang mundo.Mula sa ikalawang palapag, dahan-dahang bumaba si Mayumi. Mahinahon ang mga hakbang, halos walang ingay. Pagdating sa ibaba, hindi ito nagsalita agad. Sa halip ay ngumiti muna, iyong ngiting malambing at puno ng init na para bang kayang tunawin ang lamig ng buong bahay.Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at walang pag-aalinlangang sumiksik sa mg
Read more