Hindi lang iyon, pakiramdam ni Xavier, napakarami pang mga bagay na hindi niya alam... mga lihim na sadyang itinago sa kanya sa loob ng mahabang panahon.Habang mas lalo niyang iniisip ang lahat, mas lalo niyang nararamdaman na para siyang dayuhan sa sarili niyang buhay. Para bang ang mga taong pinakamalapit sa kanya ang siyang pinakamaraming hindi sinabi.Ugali na ni Mayumi na ibahagi lamang ang magagaan na balita at ilihim ang lahat ng pait. Sa tuwing umuuwi siya noon, palagi itong nakangiti, mahinahon, at tila walang anumang problemang pasan. Wala siyang nakikitang bakas ng pagod, sakit, o hinanakit sa mukha nito. Kaya naman naniwala siya na maayos ang lahat.Ngunit ngayon, habang isa-isang lumalabas ang katotohanan, hindi niya maiwasang magtanong sa sarili... Ano nga ba ang nasa isip niya noong mga panahong iyon? Paano niya nagawang hindi mapansin ang mga senyales? Paano niya nagawang maniwala na walang problema, gayong may mga sugat palang tahimik na dinadala si Mayumi nang siya
Read more