LOGINNagbabaga sa init ang palad ni Xavier. Nanlaki ang mga mata ni Mayumi nang maramdaman iyon. Kitang-kita niyang namumula ang balat nito na parang halabos na hipon, ngunit ang mga labi nito ay putlang-putla at halos wala nang kulay. Walang tigil ang pagtulo ng pawis sa mukha nito, at bawat patak ay tila sumasabay sa hirap ng paghinga.Ramdam din niya ang bahagyang panginginig ng katawan nito. Sa isang iglap, tila nahati ang kanyang isip. Isang bahagi ang nagsasabing may mali, na may nangyayari kay Xavier.Ngunit bago pa siya makapag-isip nang mas malalim, biglang sumingit sa kanyang ilong ang banayad na pabango ni Ysabel. At kasabay niyon, bumalik sa kanyang alaala ang eksenang nadatnan niya sa silid.Ang gusot na kama, ang nagkalat na mga damit, ang mapagmataas na ngiti ni Ysabel at ang katawan ni Xavier sa ilalim nito.Parang apoy na muling sumiklab sa kanyang dibdib. Napuno ng galit at kahihiyan si Mayumi. Walang pag-aatubili, itinaas niya ang paa at sinipa nang malakas si Xavier.In
Bumalik si Mayumi sa kanyang apartment gaya ng nakagawian, ngunit ang kanyang isip ay nananatiling abala sa mga problemang kailangang harapin.Mahigpit niyang hawak ang listahan ng mga detalye ng kontak mula sa ilang kumpanya sa mga karatig-lalawigan na buong araw niyang pinaghirapang hanapin. Iyon na lamang ang pag-asa niya ngayon. Kung walang tutulong sa kanya rito sa lungsod, baka sakaling may isa sa mga kumpanyang iyon ang pumayag na makipagkasundo.Plano niyang bisitahin ang mga ito kinabukasan, isa-isa kung kinakailangan.Pagod ang kanyang katawan, ngunit mas pagod ang kanyang isip dahil sa dami ng iniisip, hindi niya napansin ang kakaibang katahimikan sa loob ng apartment. Hindi rin niya napansin na may ibang taong nakapasok na sa loob ng kanyang tahanan.Pagkapasok niya sa sala, agad siyang dumiretso sa kusina. Balak sana niyang magsalin ng isang basong tubig upang maibsan ang pagod at panunuyo ng lalamunan.Ngunit bago pa man niya mahawakan ang pitsel, bigla siyang nakarinig
Sa wakas ay kumalma na rin si Peter. Ngunit kahit tumahimik ang paligid, hindi pa rin maalis sa kanyang mukha ang bakas ng pagkadismaya. Napabuntong-hininga siya nang malalim bago marahang bumulong, tila kinakausap ang sarili.“Hindi na sana tayo bumalik sa bansa noon. Kung hindi tayo bumalik, hindi sana tayo nasangkot sa risk sharing agreement na iyan.”Risk sharing agreement.Bahagyang natigilan si Mayumi sa narinig. Pamilyar sa kanya ang tunog ng mga salitang iyon, ngunit hindi niya lubos maunawaan ang kahulugan. Magtatanong na sana siya nang biglang sumingit si Xavier, na tila sinadyang putulin ang usapan bago pa ito lumalim.“Tama na muna iyan para sa araw na ito,” malamig ngunit matatag nitong sabi. “Susundin muna natin ang istratehiya ni Mayumi sa ngayon. Mababa ang gastos sa produksyon ng low-cost version, kaya muli nating ilulunsad ito sa market na may bagong presyo. Tungkol naman sa huling presyo, tatalakayin natin itong muli sa pagpupulong mamayang gabi.”Agad na bumalik an
“Ha?” Bahagyang napataas ang kilay ni Peter, tila hindi makapaniwala sa narinig. Ngunit nanatiling kalmado si Kiel. Wala man lang bakas ng pag-aalinlangan sa mukha nito.“Ang gawing abot-kaya ang teknolohiya para sa lahat, hindi ba iyon naman ang tunay na layunin ng ating research and development?” mahinahong wika ni KIelNatahimik sandali si Peter. “Totoo ’yan, pero...” Nag-atubili siya bago maingat na pinili ang bawat salitang lalabas sa kanyang bibig.“Kiel, dapat alam mong ang unang impresyon ng mga tao sa isang brand ay napakahalaga. Kapag nanatili ang MK sa low-end market nang masyadong matagal, mabubuo ang isang permanenteng pananaw tungkol dito. At kapag nangyari iyon, napakahirap nang baguhin.”“Ang Valerio Group ay nagsisilbi sa mid to high-end market. Kapag nababanggit sila, ang unang pumapasok sa isip ng mga tao ay karangyaan, prestihiyo, at mga bagay na hindi basta-basta naaabot.” Bahagya siyang huminto bago tumingin kay Mayumi.“Pero kung mananatili ang MK sa low-end mar
Sa sobrang panginginig ng kanyang katawan, halos hindi na niya mapigilan ang pagkakatama ng kanyang mga ngipin. Bawat kaluskos ng hangin at bawat dampi ng lamig ay tila dumadagdag sa bigat ng kanyang nararamdaman. Ilang ulit niyang dinukot ang kanyang telepono, paulit-ulit na binubuksan ang screen, handang magpadala ng mensahe kay Mayumi, ngunit sa bawat pagkakataon, muli rin niya iyong ibinabalik sa bulsa.Sa huli, pinigilan niya ang sarili. Mayumi had said to just let it go, pero alam niyang galit pa rin ito sa kanya.Ngunit gaano man niya subukang kumbinsihin ang sarili, alam niyang hindi pa rin nawawala ang galit nito sa kanya.Sa kaibuturan niya, kinamumuhian niya ang sarili sa pag-iisip ng ganitong paraan. Para sa kanya, mababa at kahiya-hiya ang paggamit ng pagpapaawa para lamang makuha muli ang simpatiya ng isang tao.Ngunit malinaw din sa kanya ang isang katotohanan, kung hindi siya gagawa ng paraan, kung hindi siya susugal kahit sa paraang kinamumuhian niya, hinding-hindi na
Ang mga lumang alaalang iyon ay paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan, parang isang slideshow na ayaw tumigil, mga larawang pabalik-balik na ipinapakita ang mga sandaling minsan niyang binale-wala, ngunit ngayo’y malinaw na malinaw na bumabalik sa kanya.Taglamig noon, sa labas ng malalawak na bintana ng mansyon, ang syudad ay nababalot ng malamig at maputlang umaga. Ang manipis na hamog ay tila nakadikit sa salamin, at ang buong siyudad ay waring mas tahimik kaysa karaniwan.Nakaupo si Xavier sa sala, tahimik na nagbabasa ng diyaryo. Nakasuot siya ng simpleng sweater, seryoso ang mukha, at gaya ng dati ay tila abala sa sarili niyang mundo.Mula sa ikalawang palapag, dahan-dahang bumaba si Mayumi. Mahinahon ang mga hakbang, halos walang ingay. Pagdating sa ibaba, hindi ito nagsalita agad. Sa halip ay ngumiti muna, iyong ngiting malambing at puno ng init na para bang kayang tunawin ang lamig ng buong bahay.Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at walang pag-aalinlangang sumiksik sa mg
MAYUMI'S POV:Napakabilis ng lahat ng pangyayari. Pagka-react niya, nakadapa na si Ysabel sa lupa, namumula ang mga mata, at nakakunot ang mukhang parang kawawa at api.Sa isang iglap, naunawaan agad niyang kung bakit iyon ginawa ni Ysabel... para magmukha itong tinulak niya.Tulad ng inaasahan, pa
"Mayumi… apo ko… andito ka na ba? Parang ang tagal mo nang hindi bumibisita sa akin, apo. Nasaan ka na ba?” masiglang boses ni Donya Corazon habang papasok ng mansion. Napatingin ang lahat sa matanda.Nakaupo lang siya sa sofa ng marinig ang boses ni Donya Corazon na tinawag ang pangalan niya. Hind
XAVIER'S POV:Napalingon siya nang marahas kay Mayumi. Maging ang buong pamilya ay nakatingin din pala sa asawa niya. Ano ang ibig sabihin nitong magpapaalam?May kung anong hindi maipaliwanag na kaba ang umakyat sa kanyang dibdib. Lumalim ang pagkunot ng kanyang noo at dumilim ang ekspresyon ng mu
MAYUMI'S POV:Dahan-dahan siyang naglakad pabalik sa kanyang kotse. Ayaw niyang gumawa ng ingay na mapansin ng lahat. Mas maiging tahimik siyang umalis. Total, wala namang pakialam ang mga tao doon kung nandoon man siya o wala.Papasok na sana siya sa sasakyan nang makarinig ng mga yabag mula sa l







