LOGIN“Ha?” Bahagyang napataas ang kilay ni Peter, tila hindi makapaniwala sa narinig. Ngunit nanatiling kalmado si Kiel. Wala man lang bakas ng pag-aalinlangan sa mukha nito.“Ang gawing abot-kaya ang teknolohiya para sa lahat, hindi ba iyon naman ang tunay na layunin ng ating research and development?” mahinahong wika ni KIelNatahimik sandali si Peter. “Totoo ’yan, pero...” Nag-atubili siya bago maingat na pinili ang bawat salitang lalabas sa kanyang bibig.“Kiel, dapat alam mong ang unang impresyon ng mga tao sa isang brand ay napakahalaga. Kapag nanatili ang MK sa low-end market nang masyadong matagal, mabubuo ang isang permanenteng pananaw tungkol dito. At kapag nangyari iyon, napakahirap nang baguhin.”“Ang Valerio Group ay nagsisilbi sa mid to high-end market. Kapag nababanggit sila, ang unang pumapasok sa isip ng mga tao ay karangyaan, prestihiyo, at mga bagay na hindi basta-basta naaabot.” Bahagya siyang huminto bago tumingin kay Mayumi.“Pero kung mananatili ang MK sa low-end mar
Sa sobrang panginginig ng kanyang katawan, halos hindi na niya mapigilan ang pagkakatama ng kanyang mga ngipin. Bawat kaluskos ng hangin at bawat dampi ng lamig ay tila dumadagdag sa bigat ng kanyang nararamdaman. Ilang ulit niyang dinukot ang kanyang telepono, paulit-ulit na binubuksan ang screen, handang magpadala ng mensahe kay Mayumi, ngunit sa bawat pagkakataon, muli rin niya iyong ibinabalik sa bulsa.Sa huli, pinigilan niya ang sarili. Mayumi had said to just let it go, pero alam niyang galit pa rin ito sa kanya.Ngunit gaano man niya subukang kumbinsihin ang sarili, alam niyang hindi pa rin nawawala ang galit nito sa kanya.Sa kaibuturan niya, kinamumuhian niya ang sarili sa pag-iisip ng ganitong paraan. Para sa kanya, mababa at kahiya-hiya ang paggamit ng pagpapaawa para lamang makuha muli ang simpatiya ng isang tao.Ngunit malinaw din sa kanya ang isang katotohanan, kung hindi siya gagawa ng paraan, kung hindi siya susugal kahit sa paraang kinamumuhian niya, hinding-hindi na
Ang mga lumang alaalang iyon ay paulit-ulit na umiikot sa kanyang isipan, parang isang slideshow na ayaw tumigil, mga larawang pabalik-balik na ipinapakita ang mga sandaling minsan niyang binale-wala, ngunit ngayo’y malinaw na malinaw na bumabalik sa kanya.Taglamig noon, sa labas ng malalawak na bintana ng mansyon, ang syudad ay nababalot ng malamig at maputlang umaga. Ang manipis na hamog ay tila nakadikit sa salamin, at ang buong siyudad ay waring mas tahimik kaysa karaniwan.Nakaupo si Xavier sa sala, tahimik na nagbabasa ng diyaryo. Nakasuot siya ng simpleng sweater, seryoso ang mukha, at gaya ng dati ay tila abala sa sarili niyang mundo.Mula sa ikalawang palapag, dahan-dahang bumaba si Mayumi. Mahinahon ang mga hakbang, halos walang ingay. Pagdating sa ibaba, hindi ito nagsalita agad. Sa halip ay ngumiti muna, iyong ngiting malambing at puno ng init na para bang kayang tunawin ang lamig ng buong bahay.Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at walang pag-aalinlangang sumiksik sa mg
Mababa at paos ang boses ni Xavier, at sa ilalim ng bawat salitang binitiwan nito ay naroon ang isang bagay na noon pa man ay hindi kailanman naging bahagi ng kanyang pagkatao... kawalan ng kumpiyansa.Ibang-iba iyon sa lalaking nakilala ni Mayumi.Sanay siya sa Xavier na laging matigas ang tindig, malamig ang mga mata, at nagsasalita na parang lahat ng bagay sa mundo ay kayang mapasunod sa isang utos lang. Sanay siya sa mapagmataas nitong tinig, sa tiyak at walang alinlangang paraan ng pagsasalita nito.Ngunit ang Xavier na naririnig niya ngayon ay tila estranghero. Mahina, nag-aalangan at tila… takot.Bahagyang napatigil si Mayumi. Bihira niya itong marinig na kausapin siya nang ganoon. Sa katunayan, halos hindi niya maalalang nangyari na iyon noon. Mas lalong hindi niya maalalang nagtanong ito tungkol sa kanyang damdamin.Kailanman, hindi naging interesado si Xavier sa nararamdaman niya. Hindi nito kailanman tinanong kung nasasaktan ba siya, masaya ba siya, pagod ba siya, o galit
Walang napansing kakaiba si Ysabel. Tahimik lamang siyang kumilos habang isa-isang binubuksan ang mga lalagyan ng pagkain. Maingat niyang inayos ang bawat putahe sa ibabaw ng mesa.“Xavier, kumain ka muna.”Napatingin si Xavier sa lamesa, inaasahan niyang magigising ang gana, ngunit kabaligtaran ang nangyari. Biglang kumulo ang kanyang sikmura at napaduwal. Para bang bawat amoy ay lalo lang nagpapabigat sa kanyang pakiramdam.Ang mga chef sa cafeteria ng Valerio Corporation ay pawang mga kilalang eksperto sa larangan ng pagluluto. Ang mga pinakamahusay ay ang kinuha para sa kumpanya, mga kusinerong hinahangaan dahil sa pambihirang talento sa pagluto at elegante nilang presentation. Maraming empleyado ang nag-aabang araw-araw sa kanilang mga putahe.Ngunit sa sandaling iyon, walang halaga ang reputasyon ng mga iyon kay Xavier. Ang tanging nais ng kanyang katawan ay magsuka.Namutla ang kanyang mukha. Bahagyang nanginginig ang kanyang mga kamay habang pinipilit na manatiling kalmado.D
Hindi na binuksan ni Mayumi ang buong larawan. Hindi na niya kailangan pa. Kahit thumbnail pa lamang iyon, sapat na para hulaan niya kung ano ang gustong iparating ni Ysabel.Hindi ito simpleng litrato lamang. Isa iyong tahimik ngunit malinaw na pahayag, isang paraan para ipakita kung gaano sila kalapit ni Xavier at kung sino ang kasama nito ngayon.Bahagyang tumigas ang kanyang panga. Kung dati ay baka nasaktan pa siya, ngayon ay pagod na lamang ang naramdaman niya.Walang pag-aalinlangan niyang binuksan ang contact ni Xavier at isa-isang pinindot ang mga opsyon.Delete contact. Block number.Saglit siyang napatitig sa screen bago ibinaba ang telepono.Pinanatili niya noon ang contact nito para sa mga usapin tungkol sa shares, legal matters, at kung sakaling magkaroon ng problema sa kanilang post-divorce arrangements. Ngunit ngayong umabot na sa ganito ang sitwasyon, pakiramdam niya ay wala nang dahilan para mag-iwan pa ng kahit anong koneksyon.Kung may kailangang pag-usapan, maaar
Ang kasal na yun ay hindi kailanman isang bagay na sinang-ayunan ni Xavier. Sa katunayan, wala man lamang itong naging anyo ng isang tunay na kasal. Walang engrandeng seremonya, walang mga bisita, walang pagpapalitan ng sumpaan... ni wala man lang silang naisuot na singsing bilang simbolo ng kanila
“Hindi sapat ang mga sukat na iyan,” malamig na sabi ni Xavier sa kabilang linya ng telepono. Halatang hindi ito kumbinsido. “Kailangan ng designer ng mas eksaktong mga numero. Kapag nagkamali kahit kaunti, paulit-ulit nating babaguhin ang gown. At wala na tayong sapat na oras para doon.”Napabunto
MAYUMI'S POV:Nang makita si Xavier na umupo sa driver’s seat, sandali siyang nag-atubili, saka binuksan ang likurang pinto at tahimik na umupo sa likod.Hindi madalas ang pagkakataong makasakay siya sa kotse ni Xavier. Naalala niyang minsan ay binuksan niya ang pinto sa passenger seat, ngunit may
Nais lamang niyang patayin ang batang namamagitan kina Mayumi at Xavier.Ang hindi niya inaasahan ay matapos ang aksidente at pinadalhan si Xavier ng mensahe tungkol sa nangyari sa kanya, ni hindi man lang nito sinulyapan si Mayumi bago ito nagmamadaling dalhin siya sa ospital.Alam niyang hindi ma







