Rhiann’s PovNapatakip ako ng bibig at pinaningkitan ang dalawa. Lahat kami ay nang-aasar na nilingon sila. Namula pa ang pisngi Kath, hindi makatingin sa amin. Panay ba naman ang tukso namin sa kanila tapos nauwi na pala sa lihim na ligawan. Dumadamoves na pala itong isa sa kaibigan namin. Pag-ibig nga naman kapag tinamaan ka."Nanligaw ka na pala, dude?" natatawang tanong ni Tob. Namula naman lalo si Kath at Kevin."Hehehe. Mahirap na baka maunahan ako ni Joel," sabi ni Kevin.Ahh may karibal pala siya."Hahaha! Dapat pala gano'n din kami. Honey, sagutin mo na ako," sabi ni Tom Kay Aya. Kinilig ang kaibigan ko. "Bakit naman kita sasagutin, eh 'di ka nga nanligaw?” sabi ni Aya."Ayowwnn! ‘Di pala nanligaw, basted na 'yan!" sabi pa ni Kevin."Sa gwapo kong 'to basted?" nakangising sabi ni Tom habang nakatingin kay Aya."Hangin," sagot ni Aya na tinawanan lang namin.Dapat ganito kami lagi 'yong masaya at nag-aasaran."Babe, baka naman…" nakangiting sabi ni Tob kay Shane."Pag-iisip
Read more