Jake's Pov.Pasado 5:00 am pa lang ng umaga nagising na ako. Maaga akong nakatulog ka gabi dahil na siguro sa pagod. Nag-unat muna ako bago tumayo at lumabas ng tent. May iilang gising na rin at may iilan ding nagkakape na. Tulog pa sila Rhiann, Shane at Aya. Samantalang gising na rin sila Tob, Tom at Bryan. Maligo na lang siguro muna ako bago magkape. Pumasok muna ako sa loob tsaka kumuha ng damit pagkatapos lumabas kaagad at nagtungo sa banyo. Pagkatapos kong maligo't magbihis bumalik agad ako sa tent. Gising na pala sila at mukhang deretso rin sa pagligo. Last activity na ngayon at alas-otso sisimulan ang last activity namin. "Kape ka na, dude," sabi ni Kevin sabay abot ng kape kaya agad ko na ring kinuha at ininom."Thanks, man!" pasalamat ko, tumango lang siya saka umupo sa tabi ko."Ano kaya ang last activity natin ngayon?" sabi ni niya."Ewan, 'di ko rin alam," sagot ko."Sana 'wag na sa gubat nakakapagod," sabi ulit nito."Oo nga," sang-ayon ko."Dude, nakita niyo si Bryan?
Last Updated : 2026-02-23 Read more