Rhiann’s PovNagkwekwentuhan lang sila habang nakikinig ako sa kanila. Ang saya-saya nilang kasama grabe. Mas masaya pala 'pag marami kang kaibigan. Tuloy-tuloy lang kami sa kwentuhan hanggang sa matapos kaming kumain.Nakaubos kami ng ilang galoon ng ice cream at sila Tob rin ang nagbayad lahat."By the way, kailan tayo mag trip to Boracay?" tanong ni Kath."Ewan, may klase tayo sa lunes." Ngusong sagot naman ni April. Oo nga pala, trip to Boracay ang binigay ni Mrs. Principal sa 'min dahil ang grupo namin ang maraming panalo sa Activity."Siguro 'pag 'di na tayo busy," suggest ko sa kanila."Oo nga, medyo busy pa tayo lalo na't may pasok sa lunes,” sang-ayon ni Aya."Pwede pa nga kung pagkatapos na lang ng graduation natin," sabi ni Kevin sabay-sabay kaming napatingin sa kaniya. "Antagal pa nun," reklamo ni Tom."Oo nga, pwede naman siguro kung sa christmas na lang," suhestyon ni Tob.Ayyy kalabaw! Pareho lang din naman matagal, eh.Sabay-sabay kaming napapailing sa mga suggestion
Read more