Bago pa mag alas siete ay umalis na ako ng bahay at dumiretso na sa bar, halos kaunti lang ang tao ngayon hindi katulad ng mga nakaraang-araw na dumaragsa talaga ang mga tao. Nasa counter ako at nakatingin lang sa entablado, may mga kumakantang banda para maengganyo ang mga tao rito, wala man lang tao sa dance floor lahat ay nasa kaniya-kaniya silang upuan at nanonood lang sa mga kumakanta. Hindi sa tulad ng dati na napaka wild, kulang na lang ay mag hubad na sila. “Cosmopolitan and Mojito, please,” sambit ng lalaki. Tinitigan ko ito dahil mukha siyang familiar sa 'kin, nang tingnan niya ako ay nanlaki ang mga mata ko dahil siya 'yong kasama ng babae kanina sa coffee shop. Nataranta ako at hindi alam ang gagawin ko kaya tinawag ko 'yong bartender upang ibigay ang mga gusto niyang alak, hindi naman ako marunong sa ganoong bagay. Pumunta ako sa may restroom, at napahilamos ako sa mukha. Hindi ko alam kung bakit ganito 'yong naging asta ko ngayon, kahit na hindi ko naman talaga kilala
Read more