Kasalukuyan kaming kumakain sa sala habang nanonood ng TV. Sadyang napaka-bilis ng panahon—tila kahapon lang ay nag-aaral pa ako sa unibersidad, at ngayon ay kabuwanan ko na. Hindi pa rin alam kung anong araw ako manganganak, at sorpresa raw ang gender ng anak ko, kaya kahit sino pa man ang magtanong, walang makakasabi.Kain lang ako nang kain, binabalik-balikan ang bawat piraso ng popcorn sa bibig ko, nang bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Hindi ko maipaliwanag—parang may humahagod sa loob ng tiyan ko, at sabay-sabay na kinikirot ako mula sa loob. Kunot noo, hinawakan ko ang tiyan ko at napangiwi sa sakit na naramdaman ko.Lumunok ako ng dalawang beses, sinusubukang kalmahin ang sarili, ngunit hindi talaga ako mapakali sa kinauupuan ko. Ang bawat segundo ay parang minuto, at ang bawat minuto ay parang oras.Biglang natigil sa pagkain ng popcorn si Thalia, at tumingin sa akin na nakataas ang kilay. “Ayos ka lang ba? May masakit ba sa’yo o ano? Sabihin mo lang, Samarah,” tanong niya, h
Read more