Umuwi ako sa mansion na kunot-noo. Kung mahal pala siya ni Sean, bakit kailangan niya pa akong pakiusapan na lumayo? Hibang ba siya? O sobrang natakot lang sa 'kin na baka kahit wala akong gawin ay gugustuhin ako ni Sean? “Oh, ba't ganiyan mukha mo?” takang tanong ni Thalia na nasalubong ko sa hagdanan. Huminga ako ng malalim. “Paano ba naman? Pinakiusapan ba naman ako ni Catalina na lumayo-layo sa kanila at sinuhulan ako ng pera, na kesyo siya na raw ang magbabayad sa pera ni lolo.” Napahalakhak naman si Thalia. “Eh, ano'ng ginawa mo sa kaniya?” “Tinapunan ko ng tubig, tapos kinudaan ko. Sabi ba naman niya na ipakita ko sa kanila na mali ang mga bintang nilang isa akong p****k na gold digger. F*ck! Kahit 'di ko i-prove sa kanila 'yon, hindi ako gano'n. Baka pagawan ko pa sila ng mall, eh,” naiinis na kuwento ko kay Thalia. Pumalakpak naman siya. “Team Samarah tayo, woah!” natatawang sabi niya. Inirapan ko na lamang siya at pumanik na sa kuwarto ko. Nag bihis ako at naisipan kong
Read more