Samantala, maghapon na hindi siya ginulo ni Calyx. Nakahinga si Athena ng maluwag dahil doon. Nang oras na nang uwian, umuwi kaagad siya. Nang makalabas ang sasakyan, may mabilis na sasakyan na nauna sa kaniya at sinabayan siya. Bumaba ang windshield niyon, si Direk, ang manliligaw niya, ang unang bumungad sa kaniya. Nakasuot ang binata ng sunglesses at white suite, may ngisi na nakapaskil sa kaniyang labi.“Ath, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?” tanong ni Direk. Umirap lamang si Athena at binilisan ang pagpapatakbo. Ngunit mas mabilis magpatakbo si Direk kaya nasabayan ulit siya. Mabuti na lang at maluwang ang kalsada kaya wala silang napeperwisyo.“Huwag mo nama akong deadmahin. Kababalik ko lang galing business trip. Gusto sana kitang yayain mag-dinner, Ath,” alok ni Direk.Hindi pinansin ni Ath ang makulit na manliligaw. Itinaas niya ang windshield. Sa di-kalayuan, may Rolls Royce na nakasundo sa kanila, minamanego ‘yon ng driver ni Calyx.“Mukhang sinunsundan ng sasa
Ler mais