“Nakikiusap ako, Ms. Athena, huwag mo naman sana akong pahirapan. Baka magalit pa sa ‘kin si Mr. Montecillo kapag hindi ka pumayag,” pakiusap ni Melvin.“Nandiyan naman ang dalawa pa niyang sekretary, bakit ako ang lagi niyang peneperwisyo?” naiinis niyang sabi.“Ikaw daw kasi ang gusto ni Sir Calyx. Ikaw ang gusto niyang kasama,” tugon ni Melvin. Napabuntong-hininga na lamang si Athena. Well, kahit na siya ang laging kasama ni Calyx, mas malaki naman ang sahod niya sa dalawa.“May kasama kasi ako dito sa bahay na bata. Hindi ko siya pwedeng iwan dito ng mag-isa,” pagdadahilan pa niya.“Wala kang dapat ipag-alala, Ms. Athena.”May inilabas na laruan si Melvin sa kaniyang likuran.“Ako na po ang bahala sa bata, ma’am. Ako na po muna ang mag-aalaga sa kaniya habang wala po kayo ‘yon po ang bilin sa ‘kin ni Sir Calyx. Nasa sasakyan ang driver at siya ang maghahatid sa inyo sa party,” nakangiting tugon ni Melvin. Nangitngit sa galit si Athena. Talagang gagawin ni Calyx ang lahat para lam
Last Updated : 2026-07-14 Read more