Napatitig na lamang si Athena kay Benjamin. Tingin niya, hindi na kailangan ng direktor na makipag-blind date pa. Sa ugali nito, isang tingin palang nito sa isang babae, tiyak na malo-love at first ito sa binata. Idagdag pa ang maganda nitong ugali. Tumingin kay Athena si Benjamin. Walang emosyon ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya.“Wala ‘yon, Athena. Maliit na bagay lang ito. Kapitbahay namin si Tita Irene kaya walang dahilan para hindi ko siya tulungan,” paliwanag ni Benjamin. “Maraming salamat pa rin, Benjamin.”“Mas mabuting mailabas na natin rito si Tita Irene. Tulungan mo ako. Tumawag ka ng nurse, magdala sila ng wheelchair,” utos ni Benjamin. “Sige, pupuntahan ako sa nurse station,” sagot ni Athena at nagmamadaling lumabas ng silid at tinungo ang nurse station. Nang naroon na siya, sinabi niya ang sadya sa isa.“Okay, ma’am. Hintayin niyo na lang po ako sa silid,” tugon ng babaeng nurse. Nagpasalamat naman si Athena at bumalik sa silid.“Papunta na rito ‘yong nurse na
Dernière mise à jour : 2026-02-20 Read More