Sienna POV Nakabuka pa naman ang bibig ko para sumagot, tinukom ko na lang. Sumandal na lang ako sa upuan at inikot ng paningin ko ang buong dining. Maaliwalas ang paligid, parang sinaunang bahay na may halong modern. Teka sandali, parang may nawala sa pagkatao ko. Kinapa ko ang bulsa ng suot ko, at ayun na nga wala sa bula ang telepono ko. Naiwan ko siguro sa kwarto. Lumingon ulit ako kay Red, at sa wakas, nagpupunas na siya ng gilid ng labi gamit ang puting tela. Gusto ko na ring magpahinga, ipahinga ang katawan at paa ko. "Inaantok na ako, Red. Pasuyo na talaga na buhatin na ako at dalhin sa kwarto ko," sa inaantok ko pang tono para maawa siya. "Kakakain mo lang tapos inaantok ka na? Dapat ay may pagitan man lang ng ilang oras bago ka humiga." Okay hindi siya kumagat sa pagpapa-awa ko "Tara na kasi, tumayo ka na diyan. Tapos ka naman na." Pagmamaktol ko na walang galaw. Baka bigla kong magalaw ang kanan kong paa at sumigaw na naman ng wala sa oras. Tumayo na si Red. Kinap
Zuletzt aktualisiert : 2026-01-27 Mehr lesen