Sienna POV Nagsimula silang sukatan ako. Mula ulo hanggang paa, dibdib, bewang, balikat, etc. Ilang beses din 'yon. Iba-iba ba ang sukat ng mga damit? Ilang beses ako dapat kuhanan ng sukat? "Kailangan po namin ang height measure mo Ms. Sienna." "Paano 'yon? Hindi ko kasi matatapak ang isa kong paa." "Puwede kang tumayo gamit ang isang paa mo Ms. Sienna. Hindi excuse na merong cast ang kanan mong paa para hindi makatayo." Singit na saad ng lalaking kasama nila. May attitude pala itong lalaki. Kaya pala hindi ngumingiti. Ngumiti ako sa babae na ngumiti naman sa akin na nagpapahiwatig na pagpasensyahan ko na ang sinabi ng kasama nila, pero dahil ayoko na may masabi at maka-abala ay sinubukan kong tumayo sa kaliwa kong paa habang ang kanan ay bahagyang nakatakas. "Tumayo ka ng maayos. Ayokong magkamali kami sa size mo kung sakali. Baka pag mali ang size na nabigay sayo ay magalit sa amin si Sir Red." Kung wala lang akong iniinda makakatikim ng maaanghang na salita ang l
Zuletzt aktualisiert : 2026-01-31 Mehr lesen