Lumipas ang unang linggo matapos mailipat si Liam sa St. Jude. Para kay Sasha, ang bawat araw ay isang laro ng pagpapanggap. Sa harap ni Claire, siya pa rin ang tahimik at masunuring katulong na nakayuko habang naglilinis ng mga pasimano ng bintana. Ngunit sa likod ng mga saradong pinto ng kusina, iba ang reyalidad.“Sasha, itigil mo muna ‘yang paglalampaso. Maupo ka rito,” pabulong na utos ni Aling Marta.Lumingon muna si Sasha sa hallway bago sumunod. “Aling Marta, marami pa po akong kailangang tapusin. Baka bumaba si Ma’am Claire—”“Nasa itaas siya, natutulog. Heto, ubusin mo ito. Utos ng Donya,” sabi ng mayordoma sabay latag ng isang mangkok ng mainit na sopas na puno ng karne at gulay, kasama ang isang baso ng gatas.Tiningnan ni Sasha ang pagkain. Malayo ito sa karaniwang rasyon ng mga katulong na madalas ay tuyo o tirang ulam. “Aling Marta, nakokonsensya po ako. ‘Yung ibang kasamahan ko rito, nagtataka na kung bakit lagi niyo akong pinapatawag sa kusina.”“Hayaan mo sila. Ang m
Last Updated : 2026-01-14 Read more