Compartir

Four

Autor: Sei
last update Última actualización: 2026-01-14 17:10:07

Lumipas ang unang linggo matapos mailipat si Liam sa St. Jude. Para kay Sasha, ang bawat araw ay isang laro ng pagpapanggap. Sa harap ni Claire, siya pa rin ang tahimik at masunuring katulong na nakayuko habang naglilinis ng mga pasimano ng bintana. Ngunit sa likod ng mga saradong pinto ng kusina, iba ang reyalidad.

“Sasha, itigil mo muna ‘yang paglalampaso. Maupo ka rito,” pabulong na utos ni Aling Marta.

Lumingon muna si Sasha sa hallway bago sumunod. “Aling Marta, marami pa po akong kailangang tapusin. Baka bumaba si Ma’am Claire—”

“Nasa itaas siya, natutulog. Heto, ubusin mo ito. Utos ng Donya,” sabi ng mayordoma sabay latag ng isang mangkok ng mainit na sopas na puno ng karne at gulay, kasama ang isang baso ng gatas.

Tiningnan ni Sasha ang pagkain. Malayo ito sa karaniwang rasyon ng mga katulong na madalas ay tuyo o tirang ulam. “Aling Marta, nakokonsensya po ako. ‘Yung ibang kasamahan ko rito, nagtataka na kung bakit lagi niyo akong pinapatawag sa kusina.”

“Hayaan mo sila. Ang mahalaga ay ang utos nina Senyor Lucas. Sabi ni Donya Aurora, kailangang maging malakas ang pangangatawan mo. Hindi ka pwedeng maging sakitin o kulang sa sustansya,” madiing bilin ni Aling Marta. "Alam mo naman ang plano nila... kailangang handa ang katawan mo para sa susunod na sanggol pagkatapos ng isang ito."

Napatitig si Sasha sa kanyang tiyan. Ang bata sa loob niya ngayon ay ang huling alaala niya sa kanyang nakaraan. Masakit isipin na habang inaalagaan siya ng mga De Vega ngayon, ang tanging habol nila ay ang "kondisyon" ng kanyang matris para sa bata ni Lucas na itatanim sa kanya balang araw.

“Salamat po, Aling Marta. Kumusta po kaya si Liam? Sabi po ni Sir Lucas maayos naman daw ang unang session ng gamot,” tanong ni Sasha habang humihigop ng sopas.

“Maayos naman, ayon sa balita sa taas. Huwag ka nang mag-alala doon, mas lalong mahihirapan ang panganganak mo kung stress ka,” pag-alo ng matanda.

Ngunit ang panandaliang pahinga ay agad na nabasag.

“Marta! Where is my lemon water?” Ang boses ni Claire ay umalingawngaw mula sa dining area.

Mabilis na itinago ni Aling Marta ang mangkok sa ilalim ng sink habang si Sasha ay agad na kumuha ng basahan at nagkunwaring nagpupunas ng counter. Pumasok si Claire, suot ang kanyang mamahaling maternity dress, at matalim ang tingin kay Sasha.

“Bakit hanggang ngayon nandito ka pa sa kusina, Sasha? I told you to clean the guest rooms on the second floor. Dumating na ba ‘yung bagong labang mga linen?”

“Opo, Ma’am Claire. Paakyat na po ako,” sagot ni Sasha, pilit na itinatago ang panginginig ng kanyang mga tuhod. Ang bawat yukod niya habang nagpupunas ng sahig ay nagdudulot ng kirot sa kanyang balakang, pero kailangan niyang magpakitang gilas para hindi mapansin ni Claire ang anumang special treatment sakanya.

“Bilisan mo. Ayaw ko ng mabagal kumilos." iritadong sabi ni Claire bago tumalikod.

Sa loob ng sumunod na dalawang linggo, naging ganito ang takbo ng buhay ni Sasha. Sa umaga, magbubuhat siya ng mabibigat na basket ng damit o maglilinis ng malalawak na silid.

Pagdating ng hapon, palihim siyang tatawagin ni Aling Marta para pakainin ng steak o uminom ng bitamina sa utos ni Donya Aurora.

Isang gabi, habang nagpapahinga si Sasha sa kanyang matigas na higaan sa maid's quarters, bumukas ang pinto. Si Lucas ang pumasok. Ang kanyang presensya ay tila nagpakipot sa maliit na silid.

“Did you take your vitamins?” tanong ni Lucas, ang boses ay seryoso at walang halong emosyon.

“Opo, Sir,” sagot ni Sasha habang pinipilit na tumayo nang maayos kahit pagod na pagod ang kanyang likod.

“Good. Starting tomorrow, Aling Marta will take over some of your heavier chores ng palihim. Sasabihin ko kay Claire na kailangan mong tumulong sa pag-aayos ng mga papeles sa library para hindi ka na masyadong mag-akyat-baba ng hagdan,” sabi ni Lucas. “I need you in peak condition, Sasha. One month from now, you will deliver your child. After that, you have six months to recover. And then, the real contract begins.”

Tiningnan ni Sasha si Lucas. Ang lalaking ito ang nagligtas sa kanyang anak, pero ito rin ang lalaking kukuha ng kanyang huling hibla ng dignidad.

“Sir... bakit kailangan niyo pang gawin itong palihim na pagpapakain sa akin? Hindi ba pwedeng magtrabaho na lang ako nang normal?”

Lumapit si Lucas, ang kanyang anino ay bumalot sa buong silid ni Sasha. “Because I don't want a surrogate who is malnourished or weak. I want my heir to be carried by someone healthy. Every piece of fruit and every glass of milk you take is an investment for my future son. Get some sleep, Sasha. Your body isn't just yours anymore.”

Nang lisanin ni Lucas ang silid, naiwang nanginginig si Sasha. Ang mansyong ito ay naging isang masalimuot na bitag. Ang sustansyang ibinibigay sa kanya palihim at ang trabahong kailangan niyang gawin sa harap ni Claire ay dalawang magkaibang mundong unti-unti nang nagbabanggaan sa loob ng kanyang pagkatao.

Niyakap niya ang kanyang tiyan. Ang bata sa loob niya ay tila sumisipa, paalala na siya pa rin ang ina nito. Pero alam niya, pagkatapos ng isang buwang ito, ang kanyang katawan ay magiging isang makina na lamang para sa pamilya De Vega.

Dumaan ang isa pang linggo ng nakakapanghinang trabaho at palihim na pagpapakain ni Aling Marta. Ngunit ang masarap na pagkain ay walang lasa para kay Sasha dahil sa matinding pangungulila kay Liam. Hindi sapat ang pakikibalita lamang kay Lucas—kailangan niyang makita ang anak.

Isang hapon, habang abala si Claire sa pag-aayos ng nursery sa main house, tinawag ni Lucas si Sasha sa garahe.

"Magbihis ka. I’ll take you to the hospital," maikling utos ni Lucas habang binubuksan ang pinto ng kanyang SUV.

"S-sir? Papayagan niyo po ako?" gulat na tanong ni Sasha.

"I have a meeting near St. Jude. I can give you thirty minutes. Pero huwag kang magtatagal dahil kailangang makabalik ka bago mag-dinner para hindi maghanap si Claire," sabi ni Lucas nang hindi tumitingin sa kanya.

Mabilis na nagpalit ng malinis na damit si Sasha at sumakay. Sa buong byahe, nanatiling tahimik si Lucas habang may kausap sa kanyang bluetooth headset tungkol sa mga stocks at negosyo. Si Sasha naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana, binibilang ang bawat segundong lumilipas.

Pagdating sa St. Jude, parang gustong tumakbo ni Sasha patungo sa Room 502. Nang buksan niya ang pinto, nakita niya ang kanyang nanay na nagbabasa ng bibliya sa gilid ng kama.

"Sasha! Anak!" bulalas ng kanyang ina.

Ngunit ang mga mata ni Sasha ay agad na napako kay Liam. Ang bata ay nakaupo sa kama, may hawak na isang tablet na mukhang bigay din ng mga De Vega. Kahit kalbo na ang ulo nito dahil sa chemotherapy, masigla ang kanyang mga mata.

"Nanay!" sigaw ni Liam. "Nay, tignan mo! May laro ako rito! Sabi ng doktor, kapag naubos ko raw ang pagkain ko, gagaling na ako!"

Niyakap nang mahigpit ni Sasha ang anak. "Liam... ang tapang-tapang ng anak ko. Miss na miss ka na ni Nanay."

"Sasha," bulong ng kanyang nanay habang hinihimas ang likod niya. "Napakabait ng mga amo mo. Araw-araw may dumarating na prutas at masarap na pagkain. Pati ang mga nurse dito, parang prinsipe kung ituring ang anak mo."

Napangiti nang mapait si Sasha. Alam niya ang dahilan ng lahat ng ito. Lumingon siya sa pinto at nakita si Lucas na nakatayo roon, nakapamulsa habang nakatingin sa mag-ina. Hindi ito pumasok, nanatili lang ito sa threshold, pinagmamasdan ang eksena.

"Nay, sino po siya?" tanong ni Liam habang nakaturo kay Lucas.

"Siya... siya ang boss ni Nanay, Liam. Siya ang tumutulong sa atin," sagot ni Sasha.

Lumapit si Lucas nang bahagya. "How are you, kid?"

"Ayos lang po, Sir! Salamat po sa tablet!" masayang sagot ni Liam.

Tumango lang si Lucas. Tumingin siya sa kanyang relo at pagkatapos ay kay Sasha. Ang tingin na iyon ay malinaw: Tapos na ang oras.

"Liam, babalik na si Nanay sa trabaho ha? Magpakabait ka rito. Susunod ulit ako," paalam ni Sasha habang hinahalikan ang noo ng anak.

"Opo, Nay. Galingan mo po sa work para madami tayong pera!"

Halos madurog ang puso ni Sasha habang naglalakad palabas ng kwarto. Pagdating sa hallway, hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha. Huminto siya at sumandal sa pader, pilit na pinatitigil ang hikbi.

"Now you see what your cooperation can buy," malamig na boses ni Lucas sa likuran niya.

Hinarap siya ni Sasha, ang mga mata ay puno ng luha. "Sir, bakit kailangang ganito? Ibinibigay ko naman ang lahat. Bakit kailangang ipaalala niyo pa sa akin na binili niyo ang buhay namin?"

"Because I need you to remember why you're doing this," madiing sabi ni Lucas, lumapit siya nang sapat para maramdaman ni Sasha ang bigat ng kanyang presensya. "The moment you hesitate, the moment you fail to take care of yourself, everything in that room—the doctors, the medicine, the comfort—vanishes. Liam’s life is tied to your loyalty, Sasha. Don't ever forget that."

Sa byahe pabalik sa mansyon, hindi na muling nagsalita si Lucas. Pero para kay Sasha, ang katahimikan ay mas maingay pa sa sigaw. Ngayong nakita na niya ang pagbabago sa kalagayan ni Liam, mas lalo siyang natakot. Natakot siyang mawala ang lahat ng iyon.

Pagbaba nila sa mansyon, sinalubong sila ni Aling Marta sa driveway. Mukhang balisa ang matanda.

"Senyor Lucas! Sasha! Mabuti at nandito na kayo. Kanina pa naghahanap si Ma'am Claire. Sabi ko na lang ay may inutos ang Donya sa palengke," bulong ni Aling Marta.

"Pumasok ka na, Sasha. Go through the back entrance," utos ni Lucas.

Nagmamadaling pumasok si Sasha sa maid's quarters. Pagpasok niya sa kanyang silid, napaupo siya sa sahig. Ang sipa ng bata sa kanyang tiyan ay tila ba paalala na sa loob ng ilang linggo, mailuluwal na niya ito. At pagkatapos niyon, ang kanyang katawan ay kailangang maghanda para sa panibagong buhay—isang buhay na ang ama ay ang lalaking kakarating lang sa main house.

Narinig niya ang boses ni Claire mula sa sala, masaya itong bumabati kay Lucas. "You're home early, honey! I bought more baby clothes today."

Napapikit si Sasha. Ang mundong kinatatayuan niya ay puno ng kasinungalingan, at siya ang sentro ng lahat ng ito.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • The Billionaire Secret Surrogate Maid    Four

    Lumipas ang unang linggo matapos mailipat si Liam sa St. Jude. Para kay Sasha, ang bawat araw ay isang laro ng pagpapanggap. Sa harap ni Claire, siya pa rin ang tahimik at masunuring katulong na nakayuko habang naglilinis ng mga pasimano ng bintana. Ngunit sa likod ng mga saradong pinto ng kusina, iba ang reyalidad.“Sasha, itigil mo muna ‘yang paglalampaso. Maupo ka rito,” pabulong na utos ni Aling Marta.Lumingon muna si Sasha sa hallway bago sumunod. “Aling Marta, marami pa po akong kailangang tapusin. Baka bumaba si Ma’am Claire—”“Nasa itaas siya, natutulog. Heto, ubusin mo ito. Utos ng Donya,” sabi ng mayordoma sabay latag ng isang mangkok ng mainit na sopas na puno ng karne at gulay, kasama ang isang baso ng gatas.Tiningnan ni Sasha ang pagkain. Malayo ito sa karaniwang rasyon ng mga katulong na madalas ay tuyo o tirang ulam. “Aling Marta, nakokonsensya po ako. ‘Yung ibang kasamahan ko rito, nagtataka na kung bakit lagi niyo akong pinapatawag sa kusina.”“Hayaan mo sila. Ang m

  • The Billionaire Secret Surrogate Maid    Three

    "Ito ang mangyayari," panimula ni Lucas habang nakatitig sa kanya. "You will stay here until you give birth. Everything you need for this pregnancy will be provided. Pagkapanganak mo, bibigyan kita ng anim na buwan para makarekober. Pagkatapos niyon, magsisimula na ang ating... pagsasama. Susunod ka sa bawat utos ko. Pupunta ka sa silid ko kapag tinawag kita. At kapag nabuntis ka na, mananatili ka sa isang pribadong bahay na bibilhin ko para sa iyo. After you deliver my son, you will sign over all your rights to the child. You will take your money, you will take your three sons, and you will never show your face to us again.""Paano kung... paano kung hindi lalaki ang mabuo natin?" tanong ni Sasha sa gitna ng hikbi."Then we will keep trying until you get it right," malamig na sagot ni Lucas. "My mother believes in your blood. Don't prove her wrong."Kinuha ni Sasha ang ballpen. Ang bawat daliri niya ay nanginginig. Sa isip niya, nakikita niya si Liam na nakahiga sa malamig na stretch

  • The Billionaire Secret Surrogate Maid    Two

    Ang katahimikan sa loob ng library ay tila may sariling bigat. Ang amoy ng lumang libro at mamahaling pabango ni Lucas ay humahalo sa amoy ng takot na nagsisimulang mamuo sa katawan ni Sasha. Nanatili siyang nakatayo malapit sa pinto, hindi malaman kung dapat ba siyang lumapit o manatili sa kanyang kinalalagyan."Maupo ka, Sasha," ani Donya Aurora. Ang kanyang boses ay hindi na kasing talas ng kanina sa dining area, pero mas nakakapanghinala ang tamis nito.Dahan-dahang umupo si Sasha sa dulo ng isang silya. Napansin niya si Don Alberto, ang lolo ni Lucas, na matamang nakatingin sa kanya mula sa wheelchair nito. Ang matanda ay bihirang lumabas ng silid, kaya ang presensya nito ay nagpapahiwatig na hindi lang simpleng sermon ang dahilan kung bakit siya narito."Nabanggit mo kanina na may kambal kang anak na lalaki," panimula ni Donya Aurora habang dahan-dahang hinahalo ang kanyang tsaa. "At ang sabi mo rin, malulusog sila maliban na lang sa kalagayan ni Liam ngayon. Wala bang naging pr

  • The Billionaire Secret Surrogate Maid    One

    Madilim pa ang langit nang magising si Sasha sa tunog ng kanyang mumurahing alarm clock. Maingat siyang bumangon mula sa manipis na foam sa maliit na silid na ibinigay sa kanya sa likod ng mansyon. Masakit ang kanyang likod, isang paalala ng maghapong paglalaba at paglilinis kahapon, pero wala siyang karapatang magreklamo.Dahan-dahan siyang lumabas para hindi magising ang ibang kasamahan sa bahay. Sa kusina, ang tanging ingay ay ang mahinang pag-andar ng refrigerator at ang kalansing ng mga kaldero.Nagsimula siyang mag-saing. Habang hinihintay ang kanin, kinuha niya ang isang maliit na notebook kung saan nakalista ang bawat sentimong kinikita at ginagastos niya.“Kuryente sa probinsya... gatas nina Liam at Lio... gamot ni Nanay...” bulong niya sa sarili.Halos wala nang natitira para sa sarili niya. Napahawak siya sa kanyang puson. Walong buwan na ang sanggol sa loob niya. Kahit hirap na hirap ang katawan, tinitiis niya ang morning sickness. Kailangan niyang itago ang pagbubuntis ha

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status