Compartir

Three

Autor: Sei
last update Última actualización: 2026-01-14 17:09:48

"Ito ang mangyayari," panimula ni Lucas habang nakatitig sa kanya. "You will stay here until you give birth. Everything you need for this pregnancy will be provided. Pagkapanganak mo, bibigyan kita ng anim na buwan para makarekober. Pagkatapos niyon, magsisimula na ang ating... pagsasama. Susunod ka sa bawat utos ko. Pupunta ka sa silid ko kapag tinawag kita. At kapag nabuntis ka na, mananatili ka sa isang pribadong bahay na bibilhin ko para sa iyo. After you deliver my son, you will sign over all your rights to the child. You will take your money, you will take your three sons, and you will never show your face to us again."

"Paano kung... paano kung hindi lalaki ang mabuo natin?" tanong ni Sasha sa gitna ng hikbi.

"Then we will keep trying until you get it right," malamig na sagot ni Lucas. "My mother believes in your blood. Don't prove her wrong."

Kinuha ni Sasha ang ballpen. Ang bawat daliri niya ay nanginginig. Sa isip niya, nakikita niya si Liam na nakahiga sa malamig na stretcher, maputla, at nag-iisa. Nakikita niya ang kanyang nanay na nagmamakaawa sa mga security guard ng ospital.

"P-pangako niyo po... ililigtas niyo si Liam?"

"I don't break my promises to my assets, Sasha," sabi ni Lucas. Ang salitang 'asset' ay tumimo sa puso ni Sasha, isang paalala na hindi na siya tao sa paningin ng lalaking ito.

Sa isang mabilis at masakit na galaw, nilagdaan ni Sasha ang papel. Ang tinta ay tila dugong kumalat sa puting pahina. Kasabay niyon ang pagbagsak ng kanyang mga luha sa ibabaw ng kanyang pirma.

Agad na kinuha ni Lucas ang cellphone niya at may tinawagan. "Doktor Reyes? Yes, this is Lucas De Vega. There's a patient in the provincial hospital, Liam. I want him moved to the ICU immediately. Transfer him to St. Jude in Manila by tomorrow morning. I'll handle all the expenses. Yes, the deposit is being wired now."

Ibinaba ni Lucas ang telepono at tumingin kay Sasha. "It's done. Your son is being moved."

Hindi nakapagsalita si Sasha. Napaupo siya sa sahig, ang kanyang walong buwang tiyan ay tila naging doble ang bigat. Wala siyang naramdamang ginhawa, bagkus ay isang matinding pagkamuhi sa kanyang sarili.

"Maaari ka nang lumabas," ani Donya Aurora. "At Sasha... huwag mong kakalimutan. Mula sa araw na ito, ang bawat hininga mo, ang bawat pagkaing kinakain mo, at ang bawat segundong itinatagal mo sa bahay na ito ay pag-aari na namin. Mag-ingat ka sa mga kilos mo. Ayaw naming maapektuhan ang katawan mo dahil sa kapabayaan mo."

Lumabas si Sasha ng library na parang isang bangkay na naglalakad. Ang hallway ng mansyon ay tila naging isang madilim na lagusan na walang katapusan. Pagdating niya sa kanyang maliit na kwarto, isinara niya ang pinto at doon ay humagulgol siya ng walang tunog.

Sa labas, narinig niya ang tawanan ng mga anak na babae ni Lucas na kakarating lang mula sa mall kasama ang kanilang mga yaya. Ang saya ng kanilang mga boses ay tila isang malupit na biro para kay Sasha. Sila ay malaya, sila ay minamahal, habang siya ay isa na lamang kagamitang binili para sa isang ambisyong hindi naman sa kanya.

Naramdaman ni Sasha ang unang sipa ng kanyang anak para sa gabing iyon. Isang malakas na sipa, tila ba nagrereklamo rin sa pait ng tadhana na naghihintay sa kanilang dalawa.

Matapos ang naging pag-uusap sa library, hindi na dinalaw ng antok si Sasha. Nakaupo lang siya sa gilid ng kanyang kama sa maliit na silid sa likod ng mansyon, nakatitig sa dilim. Ang bawat minutong lumilipas ay tila baon ng kaba sa kanyang dibdib. Alas-dos pa lang ng madaling araw, narinig niya ang mahinang katok sa kanyang pinto.

Si Lucas. Nakatayo ito sa labas, wala nang suot na kurbata at bahagyang nakatupi ang mga manggas ng polo.

"Gising ka pa," hindi iyon tanong kundi isang obserbasyon mula kay Lucas

"Hindi po ako makatulog, Sir," sagot ni Sasha habang pilit na inaayos ang sarili. "Iniisip ko po si Liam."

Pumasok nang bahagya si Lucas sa pintuan, hindi alintana ang liit ng kwarto. "I just got off the phone with the provincial hospital. The ambulance I dispatched from Manila arrived thirty minutes ago. They are stabilizing your son for the long drive. It’s a specialized ICU-on-wheels. I don’t want any risks."

"S-salamat po, Sir. Kasama po ba ang nanay ko sa biyahe?"

"Yes. Your mother is with him. I’ve instructed the paramedics to give her a satellite phone so she can reach us if something happens on the road," malamig na sabi ni Lucas. Tumingin siya sa relo niya. "They will be here by six in the morning. Prepare yourself, Sasha."

Hindi nakasagot si Sasha. Ang bawat salita ni Lucas ay parang yelo na dumadaloy sa kanyang likuran.

Alas-kwatro pa lang ng madaling araw ay handa na si Sasha. Nakatayo siya sa gilid ng driveway, yakap ang sarili laban sa lamig ng madaling araw.

“Sasha, hija, kumain ka muna. Kanina ka pa nakatayo riyan sa may gate,” tawag ni Aling Marta.

“Hindi ko po kayang kumain, Aling Marta. Hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nakikita ang anak ko,” sagot ni Sasha, habang ang mga mata ay nakapako sa malaking bakal na gate ng mansyon.

Eksaktong alas-sais ng umaga nang bumukas ang gate at pumasok ang isang hi-tech na ambulansya, kasunod ang isang itim na SUV. Agad na tumakbo si Sasha palabas, hindi alintana ang bigat ng kanyang walong buwang tiyan.

“Liam!” sigaw niya nang bumukas ang pinto ng ambulansya.

Naroon ang kanyang nanay, mukhang pagod na pagod pero bakas ang relief sa mukha. Inalalayan ng mga paramedic ang stretcher kung saan nakahiga si Liam. Ang bata ay maraming nakakabit na monitor at naka-oxygen mask, pero sa unang pagkakataon sa loob ng ilang araw, nakita ni Sasha na mas payapa ang paghinga nito.

“Sasha! Salamat sa Diyos, anak!” hagulgol ng kanyang nanay. “Bigla na lang silang dumating kagabi. Sabi nila, utos daw ng amo mo. Sila na rin ang nakipag-usap sa mga doktor doon para sa transfer records.”

Lalapit sana si Sasha para hawakan ang kamay ni Liam nang biglang humarang ang isang lalaking naka-uniporme ng pang-security. “Pasensya na po, Ma’am. Kailangan po naming dumeretso sa St. Jude. Doon na lang po ninyo siya lapitan para hindi ma-contaminate ang environment ng pasyente.”

Napatigil si Sasha. Ramdam niya ang pader na unti-unting itinatayo sa pagitan niya at ng kanyang pamilya. Lumingon siya at nakita si Lucas na nakatayo sa veranda ng mansyon, nakasuot na ng kanyang business suit, malamig na pinagmamasdan ang bawat kilos niya.

“Sumama ka sa SUV, Sasha,” utos ni Lucas mula sa itaas. “Nanay mo lang ang pwedeng sumama sa ambulansya. You need to be there to sign the admission papers as the legal guardian, since I am only the benefactor.”

Tumango si Sasha at mabilis na sumakay sa SUV. Sa loob ng sasakyan, kasama niya ang isang lalaki na nagpakilalang Atty. Suarez, ang abogado ng pamilya De Vega. Sa buong byahe, imbes na tanungin siya tungkol sa kalagayan ni Liam, ay mga dokumento ang iniharap sa kanya.

“Ms. Sasha, these are the admission forms for St. Jude,” paliwanag ni Atty. Suarez. “Mr. Lucas De Vega will be listed as the sole financial guarantor. But there’s an additional clause here: by signing this, you authorize the De Vega family’s chosen specialists to take over the case. Any major decision—surgeries, medication, transfers—must be cleared by them first.”

“Bakit po? Ako po ang ina,” takang tanong ni Sasha habang binabasa ang papeles.

“It’s a protocol for high-value financial support, Ms. Sasha,” sagot ng abogado sa tonong propesyonal pero walang emosyon. “They are investing millions for your son’s life. They just want to ensure that the money is spent correctly.”

Hindi na nakipagtalo si Sasha. Alam niyang ito ang kapalit ng buhay ni Liam. Pinirmahan niya ang mga dokumento habang umaandar ang sasakyan.

Pagdating sa St. Jude Hospital, laking gulat ni Sasha sa kaibahan niyon sa probinsya. Agad na dinala si Liam sa isang pribadong kwarto na mas malaki pa sa buong bahay nila sa probinsya. May mga nurse na agad na nag-asikaso, at isang kilalang oncologist ang pumasok para suriin ang bata.

“Nanay... Nanay,” mahinang tawag ni Liam nang magising ito.

“Nandito si Nanay, Liam. Nandito na tayo sa magandang ospital. Pagagalingin ka nila,” iyak ni Sasha habang hinahalikan ang kamay ng anak.

“Salamat po, Nay... ang lamig dito,” bulong ng bata bago muling nakatulog dahil sa gamot.

Doon lang nakaramdam ng kaunting luwag sa dibdib si Sasha. Pero ang ginhawang iyon ay panandalian lamang. Paglabas niya ng kwarto para kumuha ng tubig para sa kanyang nanay, nakita niya si Lucas na nakikipag-usap sa doktor sa dulo ng hallway.

“I want the best for him, Doc. Cost is not an issue,” marinig niyang sabi ni Lucas. “But I want a weekly report. I want to know exactly how he’s progressing. He is the motivation for... a very important project of mine.”

Napatigil si Sasha. Project. Iyon lang pala ang tingin ni Lucas kay Liam—isang paraan para makuha ang gusto nito sa kanya.

“Your son is in good hands now, Sasha. I’ve fulfilled the first part of my promise. Now, it’s your turn. Babalik ka na sa mansyon. Walang magbabago sa kwarto mo. Walang magbabago sa trabaho mo sa paningin ni Claire. Pero si Aling Marta ang magbabantay sa bawat kinakain mo. Ayaw ni Mom na maging sakitin ang 'investment' namin.”

“Salamat po, Sir,” mahinang sagot ni Sasha.

Pagbalik ni Sasha sa mansyon nang hapon ding iyon, sinalubong siya ni Claire sa sala. Nakatitig ito sa kanya habang si Sasha ay pabalik na sa maid’s quarters sa likod

“Oh, you’re back,” sabi ni Claire habang pinagmamasdan ang namumutlang mukha ni Sasha. “Aling Marta told me you went to see your son. I hope he’s okay. Pero Sasha, don’t think that because they helped you, you can slack off. Marami pang labahin sa laundry room.”

“Opo, Ma’am Claire. Susunod na po ako,” nakayukong sagot ni Sasha.

“Mabuti naman. And stay in your quarters after work. Ayaw kong pakalat-kalat ka sa main house, lalo na’t malapit na rin akong manganak,” dagdag pa ni Claire bago tumalikod.

Naglakad si Sasha patungo sa kanyang maliit na kwarto. Ang pader ay luma, ang electric fan ay maingay, at ang higaan ay matigas. Pero kahit papaano, mas kampante siyang narito kaysa sa itaas. Ang kaibahan lang, ngayon ay alam niyang bawat kilos niya ay may nakabantay na mata.

Isang buwan na lang. Isang buwan na lang bago matapos ang paghihintay ng mga De Vega at magsimula ang kanyang tunay na pagbabayad.

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • The Billionaire Secret Surrogate Maid    Four

    Lumipas ang unang linggo matapos mailipat si Liam sa St. Jude. Para kay Sasha, ang bawat araw ay isang laro ng pagpapanggap. Sa harap ni Claire, siya pa rin ang tahimik at masunuring katulong na nakayuko habang naglilinis ng mga pasimano ng bintana. Ngunit sa likod ng mga saradong pinto ng kusina, iba ang reyalidad.“Sasha, itigil mo muna ‘yang paglalampaso. Maupo ka rito,” pabulong na utos ni Aling Marta.Lumingon muna si Sasha sa hallway bago sumunod. “Aling Marta, marami pa po akong kailangang tapusin. Baka bumaba si Ma’am Claire—”“Nasa itaas siya, natutulog. Heto, ubusin mo ito. Utos ng Donya,” sabi ng mayordoma sabay latag ng isang mangkok ng mainit na sopas na puno ng karne at gulay, kasama ang isang baso ng gatas.Tiningnan ni Sasha ang pagkain. Malayo ito sa karaniwang rasyon ng mga katulong na madalas ay tuyo o tirang ulam. “Aling Marta, nakokonsensya po ako. ‘Yung ibang kasamahan ko rito, nagtataka na kung bakit lagi niyo akong pinapatawag sa kusina.”“Hayaan mo sila. Ang m

  • The Billionaire Secret Surrogate Maid    Three

    "Ito ang mangyayari," panimula ni Lucas habang nakatitig sa kanya. "You will stay here until you give birth. Everything you need for this pregnancy will be provided. Pagkapanganak mo, bibigyan kita ng anim na buwan para makarekober. Pagkatapos niyon, magsisimula na ang ating... pagsasama. Susunod ka sa bawat utos ko. Pupunta ka sa silid ko kapag tinawag kita. At kapag nabuntis ka na, mananatili ka sa isang pribadong bahay na bibilhin ko para sa iyo. After you deliver my son, you will sign over all your rights to the child. You will take your money, you will take your three sons, and you will never show your face to us again.""Paano kung... paano kung hindi lalaki ang mabuo natin?" tanong ni Sasha sa gitna ng hikbi."Then we will keep trying until you get it right," malamig na sagot ni Lucas. "My mother believes in your blood. Don't prove her wrong."Kinuha ni Sasha ang ballpen. Ang bawat daliri niya ay nanginginig. Sa isip niya, nakikita niya si Liam na nakahiga sa malamig na stretch

  • The Billionaire Secret Surrogate Maid    Two

    Ang katahimikan sa loob ng library ay tila may sariling bigat. Ang amoy ng lumang libro at mamahaling pabango ni Lucas ay humahalo sa amoy ng takot na nagsisimulang mamuo sa katawan ni Sasha. Nanatili siyang nakatayo malapit sa pinto, hindi malaman kung dapat ba siyang lumapit o manatili sa kanyang kinalalagyan."Maupo ka, Sasha," ani Donya Aurora. Ang kanyang boses ay hindi na kasing talas ng kanina sa dining area, pero mas nakakapanghinala ang tamis nito.Dahan-dahang umupo si Sasha sa dulo ng isang silya. Napansin niya si Don Alberto, ang lolo ni Lucas, na matamang nakatingin sa kanya mula sa wheelchair nito. Ang matanda ay bihirang lumabas ng silid, kaya ang presensya nito ay nagpapahiwatig na hindi lang simpleng sermon ang dahilan kung bakit siya narito."Nabanggit mo kanina na may kambal kang anak na lalaki," panimula ni Donya Aurora habang dahan-dahang hinahalo ang kanyang tsaa. "At ang sabi mo rin, malulusog sila maliban na lang sa kalagayan ni Liam ngayon. Wala bang naging pr

  • The Billionaire Secret Surrogate Maid    One

    Madilim pa ang langit nang magising si Sasha sa tunog ng kanyang mumurahing alarm clock. Maingat siyang bumangon mula sa manipis na foam sa maliit na silid na ibinigay sa kanya sa likod ng mansyon. Masakit ang kanyang likod, isang paalala ng maghapong paglalaba at paglilinis kahapon, pero wala siyang karapatang magreklamo.Dahan-dahan siyang lumabas para hindi magising ang ibang kasamahan sa bahay. Sa kusina, ang tanging ingay ay ang mahinang pag-andar ng refrigerator at ang kalansing ng mga kaldero.Nagsimula siyang mag-saing. Habang hinihintay ang kanin, kinuha niya ang isang maliit na notebook kung saan nakalista ang bawat sentimong kinikita at ginagastos niya.“Kuryente sa probinsya... gatas nina Liam at Lio... gamot ni Nanay...” bulong niya sa sarili.Halos wala nang natitira para sa sarili niya. Napahawak siya sa kanyang puson. Walong buwan na ang sanggol sa loob niya. Kahit hirap na hirap ang katawan, tinitiis niya ang morning sickness. Kailangan niyang itago ang pagbubuntis ha

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status