Inimbitahan ni Rico si Vera sa isang fancy dinner upang aminin ang tungkol sa nangyari noon. Na si Carla ang sumagasa kay Vera noon kaya nawala ang batang nasa sinapupunan nito.Kinakabahan si Rico. Ayaw niyang magalit si Vera sa kaniya. Hindi niya magawang aminin noon kay Vera ang nalaman niya pagkatapos niya itong paimbestigahan dahil gusto ni Rico na si Riley mismo ang unang makakaalam upang siya na rin ang bahalang humusga sa babaeng pinili niya. Ngunit, hindi nangyari ang nakaplano niya. Mas naunang nalaman ni Riley na hindi niya anak si Lily.Hinawakan niya ang baywang ni Vera habang naglalakad sila papasok sa restaurant."Are you okay?" tanong ni Vera habang naglalakad sila. Napansin niya ang bahagyang pag-igting ng kamay ni Rico sa kaniyang baywang."I'm fine, Wife," sagot ni Rico, pero alam niyang hindi kumbinsido si Vera. Kitang-kita sa mukha niya ang kaba. He tried to smile, but it came out wrong. "Let's just go inside.""Rico, you're sweating," sabi ni Vera, huminto sandali
Baca selengkapnya