Gabi na nang makarating si Vera sa Africa kasama ang ibang doctors at nurses mula sa iba’t ibang ospital sa buong mundo. Halos lahat ay pagod mula sa mahabang biyahe, pero ramdam pa rin ang excitement sa mga mukha nila.Pagdating sa hotel, agad silang nag-check in.“Finally,” sabi ng isa sa mga Pinoy nurse habang ibinababa ang maleta. “Ang haba ng byahe.”“Welcome to Africa,” nakangiting sabi ni Vera, kahit halatang pagod na rin siya.“Doc Vera, roommates tayo?” tanong ng isang nurse.“Sure,” sagot niya. “Mas okay na may kasama.”Habang nag-aayos sila ng gamit, hindi maiwasan ng mga kasama niya na magkwentuhan.“So, Doc,” tanong ng isang nurse, “totoo ba na asawa mo si Rico Garcia?”Napangiti si Vera. “Yes.”“Grabe, ang swerte mo,” sabi ng isa pa. “Napanood namin ‘yung video ninyo. Viral kayo.”Napailing si Vera. “Please, huwag niyo nang banggitin ‘yon.”“Ang sweet niya nga sa ‘yo,” dagdag ng isa. “Kitang-kita na mahal ka niya.”Hindi agad sumagot si Vera. Umupo siya sa kama. Naisip ni
Baca selengkapnya