Akmang susubuan niya na ulit ang dalaga nang biglang bumukas ang pinto ng VIP room. Pumasok si Cohen, may bitbit na isang bouquet ng flowers sa isang kamay at isang thermos sa kabila. Napangiti ito ng matamis sa dalaga. Nang makita si Aslan na may hawak na sabaw, naglakad ito palapit at binitawan ang isang matinding patama. "Mukhang nagkamali ka ng kalkula, Mrs. Anderson," nakangiti banat ni Cohen. "Hindi ako katulad mo. Para sa akin, si Kasumi ang palaging number one priority ko. Ngayong nakaratay siya sa ospital at nasaktan, hinding-hindi ko siya iiwan para lang asikasuhin ang kumpanya." Tinitigan ni Cohen si Aslan ng diretso, "Sa puso ko, siya ang pinakamahalaga. Kumpanya, pera, utang na loob, o responsibilidad… kaya kong itapon lahat ng 'yan para sa kanya." Malinaw pa sa sikat ng araw ang ipinapahiwatig ni Cohen. Apat na taon na ang nakakalipas, mas pinili ni Aslan na hiwalayan si Kasumi dahil sa utang na loob at responsibilidad nito kay Margareth. Pagkarinig sa mga salitan
続きを読む