Humalakhak ng mahina si Cohen. "Mr. Anderson, alam mo ba na third party ang tawag sa ginagawa mo? Engaged na kami ni Kasumi. Malapit na kaming magpakasal. Sa tingin mo ba may pag-asa ka pa?" "Ang sarap palang maging kabit para sa pag-ibig," kibit-balikat na sagot ni Aslan at hindi man lang nagpatinag. "Isa pa, fiancé ka pa lang naman, hindi pa asawa. Sa mata ng batas, single at malaya pa rin si Kasumi. At higit sa lahat, iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung totoo ba talaga iyang engagement niyo." "Kung ganun pala kataas ang kumpiyansa mo, Mr. Anderson, tignan na lang natin."Pagkasabi noon, hindi na pinansin ni Cohen ang lalaki. Nilampasan niya ito at dumiretso sa sala. Nang makita ni Kira ang bago nitong paboritong tito, nanlaki ang mga inosenteng mata nito sa tuwa. Lumapit si Cohen, pabirong pinisil ang pisngi ng bata at ngumiti. "Baby, hindi tayo nagkita ng ilang araw ah. Namiss mo ba ako?" Mabilis na tumakbo si Kira at tumalon sa mga bisig ni Cohen at mahigpit na yumakap sa
続きを読む